^

Bansa

GCQ sa NCR Plus extended hanggang ika-30 ng Hunyo habang 14 lugar MECQ

Philstar.com
GCQ sa NCR Plus extended hanggang ika-30 ng Hunyo habang 14 lugar MECQ
Residents pictured at Marikina Sports Center during the continuation of vaccination program on May 25, 2021.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Magtutuloy-tuloy lang ang ipinatutupad na general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya sa susunod na buwan bilang tugon ng gobyerno sa mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ang desisyon ay ibinaba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang regular na Talk to the People Address ngayong Lunes ng gabi.

Kaugnay nito, ilalagay sa mahigpit-higpit na modified enhanced community quarantine (MECQ) mula ika-1 hanggang ika-15 ng Hunyo ang:

  • City of Santiago
  • Cagayan
  • Apayao
  • Benguet
  • Ifugao
  • Puerto Princesa City
  • Iloilo City
  • Zamboanga City
  • Zamboanga Sibugay
  • Zamboanga del Sur
  • Zamboanga del Norte
  • Cagayan de Oro City
  • Butuan City
  • Agusan del Sur

Ilalagay naman sa maluwag-luwag na GCQ mula bukas hanggang ika-30 ng Hunyo ang:

  • NCR Plus (Metro Manila, Rizal, Bulacan, Laguna, Cavite), with restrictions
  • Baguio City
  • Kalinga
  • Mountain Province
  • Abra
  • Isabela
  • Nueva Vizcaya
  • Quirino
  • Batangas
  • Quezon
  • Iligan City
  • Davao City
  • Lanao del Sur
  • Cotabato City

"The rest of the Philippines would be under modifed general community quarantine, from June 1 to 30, 2021," paliwanag ni Digong patungkol sa may pinakamaluluwag na COVID-19 restrictions sa bansa.

"Kaya kayo namang mga barangay captain, kayo ang mga mayor sa inyong lugar. Ngayon 'pag nagpalpak 'yan at hindi niyo nakontrol and there are celebrations everywhere... social distancing kagaya noong sa swimming pool, the barangay captain should arrest the owner of the resort allowing people in numbers who are together in the swimming pool... violating the law."

Inilabas ang nasabing desisyon ngayong patuloy ang arawang pagbaba ng infections ng COVID-19 sa National Capital Region, Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna. Gayunpaman, napansin ng Department of Health (DOH) na mas bumabagal ang pagbabang ito.

Nasasabay din ito ngayong may nadiskubreng mas nakahahawang variant ng COVID-19 sa Vietnam, bagay na malapit-lapit lang sa Pilipinas sa Timogsilangang Asya.

Sa huling datos ng DOH ngayong araw, umabot na sa 1.23 milyong ang tinatamaan ng COVID-19 sa bansa. Sa kasawiang palad, pumanaw na ang 20,966 sa kanila. — James Relativo

GENERAL COMMUNITY QUARANTINE

MODIFIED GENERAL COMMUNITY QUARANTINE

NOVEL CORONAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with