^

Bansa

Batas na nagbaba ng height requirement sa PNP, BJMP at BFP pinuri ng ACT-CIS

Doris Franche Borja, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — “Malaking tulong ang “Height Equality Act” para makapasok sa serbisyo ang ating mga kababayan na nasa indigenous sector”.

Ito ang tugon ni ACT-CIS Congressman at Benguet Careta­ker Eric Yap matapos pirmahan ni Pangulong Duterte ang R.A. 11549 na binababaan pa ang height requirements ng mga gustong pumasok sa PNP, BJMP at BFP.

Mula sa taas na 5’4” para sa kalalakihan na nais pumasok bilang pulis, bumbero o miyembro ng BJMP, binabaan ng bagong batas ang height requirement sa 5’2” at 5 feet naman sa mga kababaihan mula sa 5’2”.

“Ang problema kasi karamihan sa mga ga­ling sa indigenous sector o tribe ay kulang sa height bagama’t mga degree holder,” ayon kay Cong. Yap.

“May ilan nga na taga-Benguet na gusto pumasok sa pulis pero kulang sa height ay na­­ngailangan pa ng waiver,” dagdag pa ng mambabatas.

Aniya, wala sa lahi ng mga Pinoy na matatangkad tulad ng mga Amerikano o Europeans kaya marapat lamang na babaan ang height requirements ng mga nais pumasok sa serbisyo.

ACT-CIS

BFP

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with