^

Bansa

Suspek sa COVID-19 'vaccine-slot-for-sale' sumuko sa Mandaluyong

Philstar.com
Suspek sa COVID-19 'vaccine-slot-for-sale' sumuko sa Mandaluyong
Litrato ng suspek sa COVID-19 'vaccine-slot-for-sale' na si Kyle Bonifacio, ika-26 ng Mayo, 2021
The STAR/Felicer Mathias

MANILA, Philippines — Tuluyan nang sumuko sa mga otoridad ang isa sa mga pinaghihinalaang nasa likod ng bentahan at pagpapa-reserve diumano ng slot para sa bakunahan laban sa COVID-19 vaccine.

Kinilala ang suspek bilang si Kyle Bonifacio, isang anak ng barangay kagawad, na iprinesenta nina MMDA chair Benhur Abalos at kanyang misis na si Mandaluyong Mayor Menchie Abalos.

"Confident po ako na wala po akong kasalanan dito at lumutang po talaga ako sa publiko para matapos na itong issue na ito," ani Bonifacio, Miyerkules.

"Gusto ko lang sabihin na hindi ako talaga nagbenta at yung resibo po na yun ay kusang bigay po sakin nung taong yun," dagdag pa niya, habang tumatangging magbigay ng karagdagang detalye sa mga otoridad.

Una nang naibalitang nagkakaroon ng bentahan ng slots pagdating sa pagpapaturok ng COVID-19 vaccines sa mga Lungsod ng Mandaluyong at San Juan, bagay na nagkakahalaga diumano hanggang P15,000.

Lumutang ang nasabing lalaki matapos kumbinsihin ng kanyang mga magulang, na pawang walang kinalaman daw sa naturang paratang.

"Appropriate charges, kung kinakailangan, will be filed against him. And... we will see to it that it's fair," dagdag ni MMDA chair Abalos, habang inililinaw na dadalhin si Bonifacio sa city police at National Bureau of Investigation.

Posibleng humarap sa kasong estafa, bribery o paglabag sa Bayanihan Act si Bonifacio kung mapatutunayang nagkasala, dagdag ni Abalos.

May sinusundang prioritization ang gobyerno pagdating sa pagbibigay ng COVID-19 vaccines. Kasalukuyang nasa A3 priority pa lang ang tinuturukan, maliban sa iilang "symbolic" A4 priority vaccination kamakailan.

Dahil aprubado pa lang ang COVID-19 vaccines sa ilalim ng emergency use authorization (EUA), iligal na ibenta ang mga nasabing bakuna basta-basta sa publiko.

Sa huling ulat ng Department of Health ngayong araw, umabot na sa 1.19 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, patay na ang 20,169. — James Relativo at may mga ulat mula kina Gaea Katreena Cabico, The STAR/Neil Jayson Servallos at News5

BENHUR ABALOS

COVID-19 VACCINES

MANDALUYONG

MMDA

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with