^

Bansa

Marawi rehabiliation 65% pa lang kahit gobyerno 2022 ang target completion

James Relativo - Philstar.com
Marawi rehabiliation 65% pa lang kahit gobyerno 2022 ang target completion
Binabantayan ng mga sundalong ito ang mga manggagawa, ika-23 ng Mayo, 2021, habang itinatayong muli ang gusaling nagsilbing "main battleground" noong 2017 Marawi Seige sa Mindanao. Umabot sa mahigit 1,000 ang napatay sa nasabing bakbakan ng Islamic State-inspired terrorists at gobyerno.
AFP/Ferdinandh Cabrera

MANILA, Philippines — Mahigit lagpas kalahati pa lang ang nakukumpeto sa muling pagtatayo ng Lungsod ng Marawi apat na taon matapos ang ginawang pagsalakay ng mga Islamic State-inspired groups doon gaya ng Abu Sayaff at grupong Maute.

Ito ang anunsyo ng Task Force Bangon Marawi, Martes, kahit target ng gobyernong makumpleto ang "rebuilding" ng Marawi City bago ang Hunyo 2022 — ang pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

"Lahat ng ating public infra na pinapagawa is now 65% complete. Yan ang accomplishment rate natin, 65%," ani Task Force Bangon Marawi chairperson Eduardo del Rosario sa Laging Handa briefing.

"And we are on track with our stated deadline of December of the year na 100% ng lahat ng ongoing projects matatapos natin."

Abril lang nang huling ibahagi ni Del Rosario na 60% pa lang ang inaabot ng naturang rehabilitasyon. Kilalala rin siyang bahagi ng Gabinete ni Duterte bilang Housing secretary.

Matatandaang nadurog ang lungsod matapos ang limang buwang bakbakan asa pagitan ng mga terorista at gobyerno, bagay na nagsimula noong ika-23 ng Mayo, 2017. Halos 200 ang namatay sa gobyerno habang mahigit 1,000 naman sa mga terorista.

Kinailangan tuloy magdeklara ni Duterte ng martial law sa buong Mindanao kaugnay ng nasabing pag-atake, na siyang tumagal ng dalawang taon at pitong buwan.

Sa kabila nito, matatandaang ilang human rights violation laban sa mga sibilyan ang naobserbahan ng ilang grupo gaya ng Karapatan sa tinagal-tagal ng inabot ng Mindanao martial law.

"Lahat po ng public infrastructure projects na in-identify natin ay matatapos po sa termino ng presidente," paliwanag ni presidential spokesperson Harry Roque kanina habang ipinaliliwanag ano ang ibig sabihin ng "complete rehabilitation."

"Babalik po tayo sa Marawi, siguro po itong buwan ng Hunyo dahil ang utos po ng presidente eh ipamigay na rin 'yung mga titulo sa mga mamamayan diyan sa Marawi."

Mas mainam daw na personal na makapunta roon ang tagapagsalita ni Duterte upang personal na maipakita ang inaabot ng pagtatayo muli ng "Islamic City" ng Lanao de Sur. Gayunpaman, babantayan daw muna nila kung sila'y mapapayagan dahil sa COVID-19 status ng lugar.

Kung pagbabatayan ang mga datos na sinabi ni Del Rosario sa Commission on Appointments noong Setyembre, aabot na sa P22 bilyon ang nailabas ng gobyerno para sa reconstruction ng nasabing city.

vuukle comment

ABU SAYAFF

HARRY ROQUE

ISLAMIC STATE

MARAWI

MAUTE

MINDANAO

REHABILITATION

TASK FORCE BANGON MARAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with