^

Bansa

Hiling ng Malacañang: 'Libu-libong' 2022 opposition candidates sa pagkapangulo

James Relativo - Philstar.com
Hiling ng Malacañang: 'Libu-libong' 2022 opposition candidates sa pagkapangulo
Litrato nina presidential spokesperson Harry Roque (kaliwa) at Vice President Leni Robredo (kanan)
Presidential Photos/Yancy Lim; Released/Office of the Vice President

MANILA, Philippines — Imbis na pahinain ang loob ng oposisyon na tumakbo sa pagkapangulo sa darating na halalan, in-enengganyo pa lalo ng Palasyo ang mga katunggali nito na hamunin ang mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na kumandidato para sa posisyon sa Malacañang.

Lunes kasi nang manawagan ng unity si Vice President Leni Robredo pagdating sa "iisang opposition standard bearer" sa 2022 national elections para mapalaki ang tiyansang magapi ang pambato ng administrasyon.

"May there be a thousand candidates for the opposition," wika ni presidential spokesperson Harry Roque, Martes, sa isang media briefing.

Hindi man sabihin ni Roque, mahihinuhang nais niyang mahati ang boto ng mga tutol kay Duterte sa susunod na taon.

Kahapon lang nang sabihin ni Robredo sa leadership forum na inorganisa ng Cambridge University Filipino Society na tanging sa isang "united front" laban sa administrasyon makapagluluklok ng state leader na babaliktad sa uri ng pamamahalang namamayani sa ngayon.

Aniya, ang pagkakawatak-watak daw kasi ang magtitiyak ng pananatili ng kasalukuyang kaayusan na kanilang tinutunggali.

"To have many candidates running in the elections will only ensure another six years of victory of another same kind of governance that that last five years [have] given us," sabi ng ikalawang pangulo.

"And I'm not sure it's in the best interest of the country."

Kasalukuyang pinagkakaisa ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio ang sari-saring demokratikong pwersa sa iisang opposition coalition para sa 2022, bagay na kikilalaning 1Sambayan.

Ayaw pang kumpirmahin ni Robredo kung tatakbo siya sa pagkapangulo sa 2022, bagama't "minamadali" raw siyang gumawa ng desisyon hinggil dito. Tinitignan pa raw kasi niya ang kanyang "campaign feasibility" kung mapag-isipang kumandidato lalo na't hindi ito madali.

Kilalang kritiko ng madugong gera kontra droga ni Duterte si Robredo, bagay na kumitil na sa buhay ng libu-libo mula 2016.

Marso nang sabihin ni dating Sen. Antonio Trillanes IV na si Robredo ang "most winnable candidate" ng oposisyon sa 2022. Gayunpaman, sinabi niyang plano niyang tumakbo sa pagkapangulo sa ilalim ng 1Sambayan oras na mapatunayang kakandidatong gobernadora ng Camarines Sur si Robredo.

Palasyo 'walang kinalaman' sa Duterte Parin Movement

Sa kabila ng lahat, itinatanggi rin ni Roque na suportado ng Palasyo ang "Duterte Parin Movement" na inilunsad sa Maynila ngayong buwan, na siyang nagsusulong sa 2022 presidential candidacy ni Davao City Mayor Sara Duterte — anak ni Digong.

Secretary general kasi ng nasabing grupo si Nino Padilla, na dating undersecretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO). Kasama rin sa mga nangunguna riyan si Jose Antonio Goitia, na dati nang sinisante ni Duterte bilang direktor ng Pasig River Rehabilitation Commission.

"Dating opisyales po 'yan ng PCCO. Ibig sabihin, pribadong indibidwal na po siya. Wala pong kinalaman diyan ang Malacañang," patuloy ni Roque kanina.

"Bagama't nirerespeto namin 'yung paninindigan ng maraming sa ating mga kababayan na dapat maging susunod na presidente si Mayor Sara Duterte."

Ang pagtanggi ni Roque ay kanyang ginawa halos dalawang taon matapos sabihin ni dating presidential spokesperson Salvador Panelo na "hindi kagulat-gulat" kung maging running-mates sa 2022 sina Digong at Sara.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES IV

HARRY ROQUE

LENI ROBREDO

OPPOSITION

PRESIDENTIAL ELECTIONS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with