^

Bansa

10 araw na quarantine sa mga 'fully vaccinated' balikbayan pinaiiksi

Philstar.com
10 araw na quarantine sa mga 'fully vaccinated' balikbayan pinaiiksi
Inaantay ng Department of Foreign Affairs staffer na ito ang ilang repatriates mula sa Bahrain, Lebanon at Syria bago bumaba sa kanilang eroplano, ika-29 ng Disyembre, 2020
Released/DFA

MANILA, Philippines — Nananawagan ngayon ang Department of Tourism (DOT) na mabawasan pa ang haba ng panahong ilalagi ng mga umuuwing Pilipino sa ibayong dagat na nais umuwi ng bansa, basta't kumpleto na ang kanilang dose ng coronavirus disease (COVID-19) vaccines.

Pitong araw lang daw kasi ito kung titignan ang mga karatig bansa gaya ng Thailand, ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat. 

"We’re still proposing that, at least shorter quarantine days to encourage them to come home," ani Puyat sa panayam ng ANC, Martes.

"We’re meeting tomorrow, Wednesday, with Department of Health (DOH), Department of Foreign Affairs (DFA), and other government agencies, including the health experts, because we now have more and more studies about fully vaccinated individuals."

Kasalukuyang kinakailangang manatili ng 10 araw sa quarantine facility ang mga overseas Filipino workers at umuuwing Pilipino, kung saan sasailalim sila sa COVID-19 swab test matapos ang ikapitong araw ng pagdating. Maliban diyan, dapat din silang mag-home quarantine ng apat na karagdagang araw.

Wala namang tinukoy ang DOT na kikilalanin o hinding COVID-19 vaccine brand sa kanilang rekomendasyon.

Gayunpaman, isa sa mga itinutulak nila nang husto ay kung paano mapatutunayan ng biyaherong kumpleto ang kanilang bakuna, bagay na natalakay na raw nila sa DFA ani Puyat.

"Kung yung RT-PCR nga kasi napepeke, baka ito naman yung next na ipepeke para makapasok sa isang lugar," dagdag pa niya.

Umabot na sa higit 8.3 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang dumating sa Pilipinas simula nang sumarangkada ang immunization efforts ng bansa. Sa bilang na 'yan, 4.16 milyon na ang naituturok sa bansa.

Narito ang mga bakunang dumating sa Pilipinas batay sa brand batay sa brand:

  • 5,500,000 (Sinovac)
  • 2,556,000 (AstraZeneca)
  • 30,000 (Gamaleya)
  • 193,050 (Pfizer)

Lunes lang nang lumabas sa pag-aaral ng Social Weather Stations na 63% ng mga Pilipino ang "prefer" magpabakuna laban sa COVID-19 gamit ang mga gamot mula sa Estados Unidos. Gayunpaman, CoronaVac mula sa Tsina ang brand na nakakuha ng may pinakamataas na preference mula sa mga Pilipinong inaral.

Biyernes lang nang imungkahi ng DOT ang "green lane" para sa mga fully vaccinated na banyagang bumibisita sa Pilipinas para matulungan ang recovery ng napinsalang ekonomiya sa gitna ng pandemya at lockdowns.

Sa huling ulat ng DOH, umabot na sa 1.18 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, pumanaw na ang nasa 19,983 katao. — James Relativo

BALIKBAYAN

COVID-19 VACCINES

NOVEL CORONAVIRUS

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with