^

Bansa

Trillanes planong tumakbo sa pagkapresidente kung VP Leni ayaw sa 2022

Philstar.com
Trillanes planong tumakbo sa pagkapresidente kung VP Leni ayaw sa 2022
Kita sa file phot na ito si dating Sen. Antonio Trillanes IV habang nasa isang press conference sa Senado, kung saan nanatili siya kasabay ng mga maniobrang hainan siya ng warrant of arrest kaugnay ng "naibasura" niyang amnesty
The STAR/Geremy Pintolo, file

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni dating Sen. Antonio Trillanes IV ang planong maging pangunahing kandidato tumakbo sa pagkapangulo sa ilalim ng koalisyong oposisyon oras na hindi tumakbo sa pagkapresidente si Bise Presidente Leni Robredo.

Ito ang inanunsyo ni Trillanes ngayong araw kaugnay ng mga ugong-ugong na naghahandang tumakbo sa pagkagobernadora ng Camarines Sur si Robredo.

"I, together with the Magdalo group, have decided to convey to the 1SAMBAYAN Coalition to change my status from being an alternate candidate (to VP Leni) to being a principal candidate for President to vie for the Coalition's nomination," wika ni Trillanes, Miyerkules.

"Just to further stress this point, in the event that VP Leni DEFINITIVELY decides to run for President BEFORE 1SAMBAYAN picks its nominees in July, I would wholeheartedly STEP ASIDE and WITHDRAW my own candidacy in her favor."

Aniya, kinakailangan niya raw itong gawin para maisama ang kanyang pangalan sa selection process ng 1SAMBAYAN.

In view of VP Leni's preparations to run for Governor of Camarines Sur in 2022, I, together with the Magdalo group, have...

Posted by Antonio "Sonny" Trillanes IV on Tuesday, May 11, 2021

Sa kabila nito, hindi raw niya planong hatiin ang oposisyon lalo na't iisa lang naman ang bubuuing slate ng koalisyon sa halalang 2022.

Kaugnay ng kanyang plano, naghahanda na raw siyang mag-focus sa mga problema ng bansa, partikular sa:

  • COVID-19 response
  • pagbangon ng ekonomiya at pagtugon sa kahirapan
  • kapayapaan atsecurity sector reforms
  • paglaban sa katiwalian
  • universal healthcare
  • ugnayang panlabas (kasama ang West Philippine Sea)

"In just 5 years, Duterte has been able to destroy our institutions, bankrupted the economy, worsened poverty and corruption, surrendered our interests in the WPS, and promoted incompetence in public service," dagdag pa niya.

"Worst of all, he made our people accept killings, immorality, indecency and vulgarity as the new societal norm. Truly, we WILL NOT survive another 6 years of a Duterte rule."

Tatakbo ba talaga sa pagkagobernadora si VP?

Kamakailan lang nang magparehistro para sa Philippine Identification System (PhilSys) sa in Magarao, Camarines Sur at hindi sa Naga City si Robredo, bagay na pumapaypay ngayon sa tsismis na may plano siyang tumakbong gobernadora sa 2022.

Gayunpaman, sinabi ng tagapagsalita ni Robredo sa media na ginawa niya ito sa dahilang bumili siya at kanyang mga kapatid ng residential property sa Magarao matapos mamatay ng kanilang ina noong Pebrero 2020.

Matapos pumila sa Magarao, Camarines Sur, nakapag-register na sa Step 2 registration si Vice President Leni Robredo...

Posted by PSA Philippine Identification System on Tuesday, May 4, 2021

Ngayong linggo lang nang sabihin ni dating House majority leader Rolando "Nonoy" Andaya Jr. sa panayam ng DWOS 103.9 BOOM FM Naga na susuportahan niya si Robredo kung maisipan niyang tumakbo para sa nasabing posisyon sa naturang probinsya.

"[A]ng pangako ko si Governor Leni, ikakampanya ko siya sa probinsya nang walang gastos at hindi ko siya kasama," ani Andaya, habang kinukumpirma na meron na siyang inisyal na pag-uusap sa ikalawang pangulo. — James Relativo

2022 ELECTIONS

ANTONIO TRILLANES

LENI ROBREDO

OPPOSITION

PRESIDENCY

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with