^

Bansa

Fact check: Malacañang sinabing 'nasa labas ng EEZ' ang Julian Felipe Reef

Philstar.com

MANILA, Philippines — Iginiit ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa labas ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas ang isang bahura sa West Philippine Sea, bagay na pinamalalagian ngayon ng mga Tsino kahit wala silang karapatan doon.

Ang kwestyonableng pahayag ay binitiwan ni presidential spokesperson Harry Roque, Martes, matapos niyang manindigang "masyado itong malayo" sa Pilipinas. Tinatanong kasi siya noon kung hindi nababahala ang Palasyo sa presensya roon ng maraming Chinese militia — bagay na umabot noon lampas sa 200.

"Kasi alam mo, ni hindi po 'yan kabahagi ng ating EEZ ha? 'Yung Julian Felipe [Reef]. Labas po 'yan. Ganyan po kalayo 'yan. Kaya lang, meron tayong claim doon sa Julian Felipe as an island. Kaya we claim na meron 'yan territorial seas," ani Roque, Martes.

"Kaya pinalalaki po 'yan ng ating mga kalaban talaga, dahil ang ating claim diyan, is because of the [Presidential Decree], pero ang totoong nag-aagawan sa area na 'yan ay ang Vietnam at China."

Nababanatan ngayon ang administrasyong Duterte ng mga kritiko dahil sa diumano'y "malambot" na pagtangan sa isyu EEZ ng Pilipinas at panghihimasok doon ng Tsina. Pero may batayan kaya ang mga kritiko ngayong ganito ang mga pahayag ng Palasyo?

Eto ang totoo: Parte 'yan ng EEZ ng Pilipinas

Walang katotohanan ang mga sinasabi ni Roque kung mismong United Nations Convention on the Law of the Sea, National Task Force for the West Philippine Sea at Administrative Order No. 29, s. 2012 ang pagbabasehan.

Sa mismong statement ng National Task Force for the West Philippine Sea noong ika-20 ng Marso, 175 nautical miles lang kanluran ng Bataraza, Palawan ang Julian Felipe Reef — pasok sa 200 nautical mile EEZ ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

READ: STATEMENT OF THE NATIONAL TASK FORCE FOR THE WEST PHILIPPINE SEA ON THE PRESENCE OF CHINA’S MARITIME MILITIAS AT...

Posted by Presidential Communications (Government of the Philippines) on Saturday, March 20, 2021

Sa loob ng EEZ, tanging ang coastal state lamang ay may karapatan gumamit ng mga likas-yaman sa naturang lugar, maliban na lang kung may pormal na kasunduan ang isanfg bansa sa isa pa.

Taong 2012 nang pangalanang "West Philippine Sea" ng gobyerno ng Pilipinas ang mga sumusunod na lugar sa loob ng EEZ ng Pilipinas:

"The maritime areas on the western side of the Philippine archipelago are hereby named as the West Philippine Sea. These areas include the Luzon Sea as well as the waters around, within and adjacent to the Kalayaan Island Group and Bajo De Masinloc, also known as Scarborough Shoal."

Hindi klaro kung iisa ang mapang gamit ni Roque, ng National Task Force for the West Philippine Sea at ng nakaraang administrasyon.

Matapos sabihin ni Roque na wala sa EEZ ng Pilipinas si ang nasabing bahura, hindi naiwasang manggalaiti bilang tugon ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. kanina.

"Huh? Oh, God. @DFAPHL Igor! Memo on my desk tomorrow. Where the ef is it?" sabi niya habang nagbibigay ng reaction sa pahayag ng tagapagsalita ni Duterte.

Nangyayari ito kahit na parehong miyembro ng Gabinete sina Roque at Locsin.

'Bakit si Duterte ang sinisisi?'

Sa kabila ng lahat ng mga ebidensya, ipinipilit ng Palasyo na pinalalaki lang ng mga kaaway ng administrasyon ang isyu, sa dahilang "never naman naging in possession ng lugar" ang Pilipinas.

Ito ay kahit na ilang beses nang naghain ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay ng mga maniobra ng Beijing sa area.

"Eh bakit Pilipinas, bakit si President Duterte ang tinatanong kung anong gagawin niya diyan? Bakit hindi tanungin ang mga Vietnamese? Dahil unang-una, mas malapit sa kanila 'yan, pangalawa sila talaga ang nag-aagawan sa area na 'yan," aniya.

"Bakit ang sisi ay binibigay kay Presidente Duterte? Hindi niya maintindihan. Remember, we're not the only claimants there."

Lunes lang nang hamunin ng debate ni Roque sina Bise Presidente Leni Robredo, Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio at dating DFA Secretary Albert del Rosario para patunayang "hindi nawawalan ng teritoryo ang Pilipinas" sa ilalim ni Duterte.

CHINA

FACT CHECK

HARRY ROQUE

RODRIGO DUTERTE

VIETNAM

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with