^

Bansa

Roque hinamon ng debate si VP Leni kaugnay ng WPS sa pag-atras ni Duterte

James Relativo - Philstar.com
Roque hinamon ng debate si VP Leni kaugnay ng WPS sa pag-atras ni Duterte
Litrato nina presidential spokesperson Harry Roque (kaliwa) at Vice President Leni Robreo (kanan)
STAR/KJ Rosales, File; Released/Office of the Vice President

MANILA, Philippines — Panibagong debate ang inihain ngayong araw ni presidential spokesperson pagdating sa paghawak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng West Philippine Sea sa mga okupasyon at panghaharang ng Tsina sa mga dagat na saklap ng exclusive economic zone (EEZ) ng Maynila.

Inilabas ni Roque ang hamon kay Bise Presidente Leni Robredo ilang araw matapos ipaubaya ni Duterte sa presidential spokesperson ang dapat sana'y debate laban kay ex-Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio patungkol sa West Philippine Sea.

"Si VP Leni wala rin pong tigil sa pagpupula sa presidente pagdating sa West Philippine Sea. Magkadormitoryo po kami niyan, si VP Leni. Magkaibigan po kami niyan, pwedeng magdebate ang mga kaibigan," ani Roque, Lunes.

"Same topic... Ito bang polisiyang panlabas ng presidente... ito ba ay nagresulta sa pagkabawas ng soberanya ng Pilipinas o 'di kaya'y nagresulta sa kawalan ng teritoryo?"

Aniya, magkadormitoryo noon sina VP Leni at Roque sa Kalayaan Residence Hall noong kapwa pa sila estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas-Diliman kung kaya't mainam daw na noon na lang ganapin ang kanilang debate.

Bagama't "magkaibigan," kilalang lider-oposisyon si Robredo habang tagapagsalita ng presidente si Roque.

Kahit magkampi-kampi pa sina Robredo, Carpio, Del Rosario

Dagdag pa niya, mas okey na raw na si Robredo ang kanyang makadebate dahil baka sabihin lang daw ni Carpio na "ordinaryong abogado" lang siya, habang dating mahistrado ang nauna. Gayunpaman, okey lang daw kahit na magsama-sama pa sina Robredo, Carpio at dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario.

"Kasi paulit-ulit nilang sinasabi, derogation of sovereignty, giving away territory, 'yan po ang pagdebatihan. Pwede rin pong silang dalawa ni Justice Carpio magkasama. Isama na nila si Albert del Rosario," dagdag pa ni Roque.

Patuloy na matatagpuan ang mga barkong Tsino sa West Philippine Sea magpahanggang sa ngayon. Gayunpaman hindi raw magpapadala si Duterte ng Navy roon dahil mauuwi lang daw ito sa gera. Sa kabila niyan, naninindigan si Roque na hindi nabawasan ang teritoryo ng Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Duterte — sa kabila nito, nagkaroon naman daw ng mga militarisasyon ng Tsina sa lugar sa ilalim ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Una nang sinabi ni Duterte na hindi niya ipinangakong maibabalik sa Pilipinas ang kontrol ng West Philippine Sea, kahit nangakong magje-jetski siya patungo roon at magtatanim ng watawat ng Pilipinas.

'Anlakas manghamon ah?'

Tila tinawanan lang naman ng panig nina Robredo ang hamon ni Roque, habang idinidiing unahin na lang ang mas mahahalagang trabaho.

"[Ang lakas] ng loob maghamon, eh 'yung unang debateng hiningi [ni Duterte sa West Philippine Sea] inatrasan naman," wika ni Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo kanina.

"Mas mabuti pa, tularan na lang ninyo si VP Leni: magtrabaho lang kayo. Dami niyong oras eh."

Matatandaang si Duterte ang unang naghamon ng debate kay Carpio pero siya rin ang umatras sa payo aniya ng Gabinete.

Kanina lang nang sabihin ni Carpio na "betrayal of public trust" ang ginagawa ni Duterte dahil sa aniya'y palasukong paghawak sa isyu ng West Philippine Sea, gaya ng pagsabi niyang "itatapon na lang sa basurahan" ang pagkapanalo ng Maynila sa sovereign rights ng lugar— may mga ulat mula sa The STAR

vuukle comment

ALBERT DEL ROSARIO

ANTONIO CARPIO

CHINA

HARRY ROQUE

LENI ROBREDO

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with