^

Bansa

14-day quarantine iniutos sa mga lumangoy sa Caloocan resort habang MECQ

James Relativo - Philstar.com
14-day quarantine iniutos sa mga lumangoy sa Caloocan resort habang MECQ
Kitang lumalangoy ang mga taong ito sa "Gubat Sa Ciudad Resort" sa Caloocan City, ika-9 ng Mayo, kahit na nasa ilalim pa ng MECQ ang kabuuan ng NCR+ bubble
STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ng Department of Health (DOH) na sumailalim sa quarantine ang lahat ng mga pamilya't indibidwal na lumangoy sa isang resort sa Lungsod ng Caloocan kahit na bawal pa sa gitna ng umiiral na quarantine restrictions dahil sa banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Linggo lang nang ipasara ni Caloocan Mayor Oscar Malapitan ang "Gubat sa Ciudad Resort" sa Barangay Bagumbong, lalo na't bawal pa ang operasyon nito sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Labis na ikinalungkot ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Lunes, lalo na't hindi naman daw dadagsain ng bisita ang resort kung hindi nagbukas ang establisyamento.

"'Yung nagpunta po diyan sa resort na 'yan, kailangan po nilang mag-quarantine for 14 days, lahat po sila, so that we can ensure na wala pong pagkakahawa-hawaan [ng COVID-19] na mangyayari," ani Vergeire sa isang media forum.

"Kasi ang mga kababayan natin pupunta sila riyan kung papayag kayo. Eh binuksan po natin, kaya nakapasok po ang mga tao at nakapag-swimming at nakapagsaya ang bawat pamilya. Ngunit ito po ay mali, hindi po natin ito ito-tolerate, ayaw na po nating madagdagan pa ang mga kaso."

Inabisuhan na ni Vergeire ang kanilang DOH regional office para obserbahan ang lahat ng mga dumalo sa nasabing pagtitipon.

Linggo nang hapon nang mag-viral ang ilang litrato kung saan lumalangoy ang pagkarami-raming tao sa nasabing lugar, dahilan para ipa-revoke ni Malapitan ang kanilang business license.

Hiling ngayon ng DOH sa mga kaparehong negosyo na 'wag na nilang tularan ang Gubat sa Ciudad Resort lalo na't lubha raw nitong maaapektuhan ang pagsisikap ng bansang maapula ang COVID-19 infections.

"Alam din po natin na tayo ay nasa MECQ, so alam po dapat ng ating mga kababayan kung kailan sila dapat lumabas at ano ang mga places na pwede nilang puntahan."

Kaso vs lumangoy, resort, barangay?

Sa press briefing ng Philippine National Police (PNP), sinabi ng bagong talagang hepe na si Police Gen. Guillermo Eleazar na tinitignan na nila ang mga posibleng ihaing kaso laban sa mga lumahok at nagpahintulot sa nasabing peligrosong aktibidad.

Gayunpaman, iimbestigahan muna raw nila ang nangyari at aalamin ang dahilan kung bakit ito pinayagan.

"If evidence warrants, we can file cases [against the Filipinos swimming] in the regular filing. We will see if the barangay can also be held liable and the establishment," ani Eleazar kanina.

"The point is that this should serve as a lesson and warning again to all others, not just the establishment but including the barangay chairman. They need to find a way to make sure this won't happen again."

Sa huling ulat ng DOH kahapon, umabot na sa 1.1 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 18,472 na ang patay. — may mga ulat mula kay Franco Luna

CALOOCAN

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RESORT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with