^

Bansa

‘COVID-19 pandemic czars’ humirit ng P90 bilyong pondo

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
âCOVID-19 pandemic czarsâ humirit ng P90 bilyong pondo
Ito ay matapos uma­nong makaharap kama­kalawa ng gabi nina Se­nate President Vicente Sotto III at Panfilo Lacson sina vaccine czar Carlito Galvez Jr., testing czar Vince Dizon at contact tracing czar Benjamin Magalong.
Geremy Pintolo/File

MANILA, Philippines — Humihirit ng P90 bil­yon sa kongreso ang  itinutu­ring na tatlong “pandemic czars” para pambili ng mga kinakailangang bakuna sa susunod na taon.

Ito ay matapos uma­nong makaharap kama­kalawa ng gabi nina Se­nate President Vicente Sotto III at Panfilo Lacson  sina vaccine czar Carlito Galvez Jr., testing czar Vince Dizon at contact tracing czar Benjamin Magalong.

Sinabi ni Lacson na kabilang sa mga ibinahagi sa kanila ng tatlo ang pangangailangan sa P90 bilyon para pambili ng mga kailangang bakuna para sa susunod na taon.

Paliwanag ng senador, hindi umano ito kasama sa regular budget ng Department of Health (DOH), su­balit partikular itong ilalaan na pambili ng mga bakuna para hindi magamit sa iba at agad na mailalabas kung kinakailangan.

Bukod dito, may hirit din umano na maglaan ng P20 bilyon para sa Bayanihan 3, subalit pinayuhan umano ni Lacson ang tatlo na subukan munang humugot sa mga hindi nagagamit na pondo  ng ilang ahensiya.

Ito ay dahil pinapayagan naman ito sa ilalim ng Saligang Batas at Bayanihan laws.

Ayon pa kay Lacson, may pangako ang business sector na magtalaga ng 5,000 espasyo sa mga shopping malls at hotels bilang vaccination centers at 1,200 sa mga ito ay nasa Metro Manila.

Kapag nangyari uma­no ito ay may sapat na supply ng bakuna at possible na mabakunahan ang may 58 milyong Filipino ngayong taon.

VINCE DIZON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with