Duterte itinangging may ipinangako sa West Philippine Sea
MANILA, Philippines — Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon siyang ipinangako tungkol sa West Philippine Sea (WPS) noong siya ay nangangampanya.
Sinabi ng Pangulo na kahit kailan ay hindi niya ipinangako sa kanyang kampanya na babawiin ang WPS at ipi-pressure ang China.
“I never, never in my campaign as president promised the people that I would retake the West Philippine Sea. I did not promise that I would pressure China,” ani Duterte.
Sinabi rin ng Pangulo na hindi niya nabanggit ang China at ang Pilipinas sa kanyang kampanya dahil isa itong seryosong bagay.
“I never mentioned about China and the Philippines in my campaign because that was a very serious matter. We need to have a diplomatic talkatise diyan. Eh hindi ako diyan --- nandiyan sa ating Foreign Affairs, trabaho nila ‘yan,” ani Duterte.
Kailangan aniyang idaan sa diplomatikong solusyon ang problema na trabaho ng Department of Foreign Affairs.
Kaugnay nito, nagsulputan naman sa social media ang sinabi ni Duterte sa presidential debates sa Cagayan de Oro noong Pebrero 2016 na sasakay siya sa isang jetski patungong Spratlys o Panatag Shoal para maglagay ng bandila ng Pilipinas.
“Sasakay ako ng jet ski, dala-dala ko ‘yung flag ng Pilipino at pupunta ako doon sa airport nila tapos itanim ko. Then I would say, ‘This is ours and do what you want with me. Bahala na kayo,” ani Duterte noong 2016.
- Latest