Ayuda, sahod ng manggagawa hiling itaas
MANILA, Philippines — Nanawagan ang mga manggagawa sa pamahalaan na gawan ng paraan na maitaas ang ayuda at sahod ng mga manggagawa sa pagdiriwang ng Labor day kahapon.
Ayon sa Bayan Muna, dapat magpatawag si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang special session sa Kongreso para maaprubahan agad ang mga panukala para sa P10,000 ayuda at P100 daily wage subsidy.
Anang grupo, sobrang hirap ang dinaranas ng mamamayan lalo na ng mga manggagawa ngayong panahon ng pandemic na karamihan ay nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng maraming opisina.
Hiling din ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at Bukluran ng Manggagawang Pilipino na bukod sa ayuda at taas sahod ay mabigyan ng trabaho ang mga jobless ngayon at mabigyan na ng bakuna ang mga manggagawa.
Niliwanag naman ng Department of Labor and Employment, naiintindihan nila ang hinaing ng mga manggagawa ngayong pandemic kaya’t gumagawa ng mga paraan ang pamahalaan kung paano masosolosyunan ang mga ito.
- Latest