^

Bansa

Nadali ng COVID-19 sa Pilipinas humataw sa 1.02-M; patay higit 17,000 na

Philstar.com
Nadali ng COVID-19 sa Pilipinas humataw sa 1.02-M; patay higit 17,000 na
Medical frontliners attend to patients on Tuesday midnight, April 27, 2021 at the National Kidney and Transplant Institute (NKTI) in Quezon CIty which set up additional tents near the emergency room to attend to the influx of COVID-19 patients.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health ng 6,895 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), Miyerkules, kung kaya nasa 1,020,495 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • Lahat ng kaso: 1,020,495
  • Nagpapagaling pa: 67,769, o 6.6% ng total infections
  • Kagagaling lang: 10,739, dahilan para maging 935,695 na lahat ng gumagaling 
  • Kamamatay lang: 115, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 17,031

Anong bago ngayong araw?

  • Inilinaw kanina ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sakop ng ipatutupad na "14-day travel ban" maski ang mga Pilipino mula India na nais lang umuwi ng Pilipinas. Ang problema, sabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., pwedeng hindi makatakas sa papataas na COVID-19 cases at B.1.617 variant ang mga Pinoy na pipigilang umuwi ng bansa.

  • Kaugnay nito, iminumungkahi ngayon ni Sen. Risa Hontiveros na magbalangkas ng protocols ang gobyerno para sa "automatic travel ban" sa tuwing may mangyayari gaya ng pag-usbong ng mga bagong COVID-19 variants sa ibang bansa. Maaari rin daw tignan ang mga findings ng mga ibang bansa na readily available sa publiko.

  • Simula Sabado, iiksian na ang curfew hours sa National Capital Region patungong 10 p.m. hanggang 4 a.m. Kaiba ito sa kasalukuyawng ipinatutupad na 8 p.m. to 5 a.m. sa Metro Manila bilang tugon sa papataas ng bilang ng nahahawaan ng COVID-19 sa rehiyon.

  • Inanunsyo naman ng Palasyo na matuturukan na rin ng COVID-19 vaccines ang ilang manggagawa at overseas Filipino workers na nasa ilalim ng A4 priority classification sa Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa sa Mayo uno.

  • Kanina lang din nang ianunsyo ni MMDA chair Benhur Abalos ang mungkahing "flexible" modified enhanced community quarantine (MECQ) para sa Metro Manila. Inihayag ito ni Abalos ilang araw bago ang pormal na deklarasyon nito ni Duterte mamayang gabi.

  • Umabot na sa 147.53 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang mahigit 3.11 milyong katao.

— James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio

COVID-19 TALLY PHILIPPINES

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with