^

Bansa

DOH: New COVID-19 variant sa India 'hindi pa of concern'; travel ban ekis pa

James Relativo - Philstar.com
DOH: New COVID-19 variant sa India 'hindi pa of concern'; travel ban ekis pa
Nakaupo ang lalaking ito sa isang "mass cremation" site sa New Delhi, India katabi ng isang bangkay ng lalaking namatay sa COVID-19, ika-26 ng Abril, 2021
AFP/Money Sharma

MANILA, Philippines — Hindi pa nagpapataw ng travel ban ang Pilipinas papunta at galing sa India kasunod ng diumano'y "double-mutant" COVID-19 variant sa naturang bansa — lalo na't variant under investigation pa lang daw ito sa ngayon.

Ilang eksperto na gaya ni Dr. Tony Leachon, dating special adviser ng National Task Force on COVID-19, ang nagbabala sa B.1.6.17 variant na nananalasa sa India, dahilan para imungkahi niya na itigil ang lahat ng "direct flights" doon.

Ito ay kahit una nang sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na walang direct flights mula Pilipinas patungong India.

"The Philippine Genome Center has not reported to the IATF whether this has evolved to become a variant of concern (VOC). This is still considered a variant under investigation," ani Health Secretary Francisco Duque III, sa panayam ng CNN Philippines.

"We’ll take this up in the IATF [meeting] — the matter of returning OFWs who might be coming from India... There’s no [ban] on our OFWs because the policy on returning OFWs upon the directive of the President, they must be allowed to travel back home."

Sinasabing nasa 1,200 ang overseas Filipino workers sa India, ayon sa datos ng Overseas Workers Welfare Administration na inilahad ni Duque.

Umabot sa 352,991 ang new COVID-19 cases ng India nitong Lunes — ang pinakamataas na pagtalon ng kaso sa buong daigdig sa iisang araw lang.

Variants of concern? Ano 'yun?

Tatlo pa lang ang kinukunsiderang VOC sa ngayon, na pawang "mas nakahahawa" kumpara sa karaniwang COVID-19:

  • B.1.351 (unang nadiskubre sa South Africa)
  • B.1.1.7 (unang nadiskubre sa United Kingdom)
  • P.1 (unang nadiskubre sa Brazil)

Pare-parehong may N501Y mutation ang tatlo, bagay na nagpapadali sa pagpalipat-lipat ng virus mula sa isang tao patungo sa isa pa. Nakapasok na ng Pilipinas ang tatlo.

Travel bans, suspensions at advisories vs India

Nagpapatupad na ng sari-saring travel restrictions at advisories ang 15 teritoryo laban sa India para maiwasan ang lalong pagkalat ng COVID-19 sa kanila:

  • United States (pinaiiwas sa lahat ng travels)
  • Hong Kong (suspendidong flights)
  • Pakistan (ban sa mga biyahe)
  • New Zealand (suspendidong biyahe)
  • United Kingdom (ban sa mga biyahe)
  • Singapore (ban sa mga biyahe ng non-citizens)
  • Oman (ban sa mga biyahe)
  • France (restrictions simula Sabado)
  • United Arab Emirates (suspendidong flights)
  • Saudi Arabia (ban sa mga flights)
  • Canada (ban sa mga flights)
  • Kuwait (suspendidong flights)
  • The Netherlands  (suspendidong flights)
  • Thailand (suspensyon ng paglalabas ng travel documents)
  • Maldives  (suspendidong biyahe)

"We cannot underestimate this virus. Definitely, if other countries are stopping the travel of Indians to their countries, that is something our government should seriously consider," ani Philippine Ambassador to New Delhi Ramon Bagatsing Jr. sa Laging Handa briefing kanina.

"Variants play an important role. People are waiting for DOH DFA travel advisory/ban. Sense of urgency is needed."

Kanina lang nang sabihin ni Bagatsing na dalawang Pilipino ang namatay na sa India dahil sa COVID-19, habang 20 iba pa ang nahawaan nito.

DEPARTMENT OF HEALTH

FRANCISCO DUQUE III

INDIA

NEW DEHLI

NOVEL CORONAVIRUS

TRAVEL BAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with