^

Bansa

Pitmaster pinasalamatan ng Liga ng Governors sa bigay na mga ambulansya

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Abot-abot ang pasasalamat ng samahan ng mga gobernador ng Pilipinas sa Pitmaster Foundation dahil sa mga ambulansya na ibinigay nito sa bawat probinsya.

Ayon kay Gov. Presbitero Velasco, Pangulo ng League of Provinces of the Philippines (LPP), “kailangang-kailangan namin ng mga additional na ambulansya para magamit sa Covid patients transport”.

“Isang text lang namin sa Pitmaster, nandyan na kaagad ang mga ambulansya nila,” dagdag pa ni Gov. Velasco.

Aniya, “the provinces really appreciate their help. Pitmaster truly cares.”

Nabatid na 81 o bawat lalawigan ang binigyan ng ambulansya ng Pitmaster foundation.

Walo na ang nai-deliver sa mga lalawigan pero natigil lamang ang paghahatid sa mga nasabing medical transportation dahil sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ayon naman kay Pitmaster Foundation chairman Charlie “Atong” Ang, “we just want to help the government sa kanilang Covid response by bringing patients to hospitals or isolation facilities.”

“The foundation’s mission is to save lives by partnering with the LGUs (local government units),” dagdag pa ni Ang.

LPP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with