^

Bansa

FDA: 24 naturukan ng COVID-19 vaccine namatay pero 'di pa dahil sa bakuna

James Relativo - Philstar.com
FDA: 24 naturukan ng COVID-19 vaccine namatay pero 'di pa dahil sa bakuna
Senior citizens with comorbidity and frontliners line up at Pinyahan Elementary School in Quezon City during the continuation of inoculation of Sinovac vaccine on April, 14, 2021.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Dalawang dosena na ang namamatay matapos maineksyunan laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas — pero wala pa rito ang napatutunayang idinulot dahil mismo sa bakuna.

Ito ang ibinahagi ni Food and Drug Administration (FDA) director general Eric Domingo habang inuulat ang updates sa mga "adverse event following immunization" o side-effects ng bakuna sa Pilipinas.

Karamihan sa mga kaso ay dahil sa mga nauna nang kondisyon sa kalusugan, bagay na napag-alaman matapos tignan ang records ng National Adverse Events Following Immunization Committee.

"Most of the cases, the fatalities were people with existing comorbidities... 19 were found to be coincidental. Ibig sabihin, hindi siya kunektado doon sa pagbabakuna. Kung hindi ibang sakit ang kanyang ikinamatay. 'Yung tatlo naman ay indeterminate, meaning hindi pa sigurado," ani Domingo, Biyernes.

"11 of the 24 were diagnosed to have died from COVID-19. 'Yung walo naman ay either heart attack, cardio vascular illness, ischemic heart disease or stroke. Three of them died of infectious disease other than COVID-19 at may dalawang pending pa ang review."

Narito ang breakdown ng nasabing fatalities at sanhi nito na naitala matapos mabakunahan:

  • COVID-19 (11)
  • cardiovascular/cerebrovascular (8)
  • infectious disease na iba pa sa COVID-19 (3)
  • nire-review pa (2)

Paglilinaw ng FDA at Department of Health (DOH), mas malaki pa rin ang kabutihang nagagawa ng mga bakuna kumpara sa pinsalang nagagawa nito lalo na't nagbibigay ito ng proteksyon laban sa nakamamatay na COVID-19.

Dagdag pa ng gobyerno, hindi pa rin dapat makampante matapos mabakunahan ng isang beses dahil dapat munang makumpleto ang dalawang turok at ilang linggo pa raw bago ito umepekto nang tuluyan.

"Talagang reminder po 'yan. After natin mabakunahan, mag-ingat pa rin po, laging magmaskara at  social distancing at frequent hand washing," ani Domingo.

Sa huling ulat ng DOH, 971,049 na ang tinatamaan ng nasabing virus sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 16,370 na ang patay.

Common side-effects depende sa bakuna

Ilan sa mga kadalasang nararanasan na side-effects ay hindi seryoso, at nawawala rin naman agad gaya ng mga sinasanhi ng iba pang mga bakuna sa merkado.

"From the start of our vaccination period to April 10, only 1.5% of the total AEFIs were serious cases. This means that for every 1,000,000 vaccinated, less than 0.04% may experience serious AEFI cases," dagdag ni Domingo.

"But it does not necessarily mean that the vaccine causes the events. This risk is much lower than the fatality of the COVID-19 infection in our country which has a 1.69% fatality rate."

Narito ang madadalas na side-effects pagdating sa AstraZeneca vaccine:

  • lagnat
  • sakit ng ulo
  • pananakit sa tinurukang bahagi ng katawan
  • panlalamig
  • panghihina

Ito naman ang sa CoronaVac (Sinovac):

  • panandaliang pagtaas ng blood pressure
  • sakit ng ulo
  • pananakit sa tinurukang bahagi ng katawan
  • hilo
  • rashes
  • lagnat

Edukasyon sa pagbabakuna

Ayon naman kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, dapat ay lagi't laging ipinaaalala ng AEFI team ang posibleng mga side-effects sa mga mismo vaccination sites upang malaman ng mga makatatanggap nito ang risks kahit na binabawasan nito ang posibilidad na maospital dahil sa COVID-19.

"They are also supposed to provide the AEFI kit, ano 'yung mga common na side-effects. Naka-ready na doon sa mismong site," ani Cabotaje.

"'Pag umalis ang mga nabakunahan, may mga brochure, ano ang mga ie-expect, ano ang gagawin, protocol... May ambulansya, tapos may pagdadalhang ospital."

COVID-19 VACCINES

DEPARTMENT OF HEALTH

FOOD AND DRUG ADMINISTRATION

NOVEL CORONAVIRUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with