^

Bansa

Maginhawa community pantry pansamantalang isinara dahil sa red-tagging incident

James Relativo - Philstar.com
Maginhawa community pantry pansamantalang isinara dahil sa red-tagging incident
People line up to receive food from the Maginhawa Community Pantry put by Good Samaritan Ana Patricia Non on Maginhawa Street in Quezon City on April 17, 2021.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — (Updated 10:56 a.m.) Pansamantalang hindi makapagbibigay ng libreng pagkain ang mga volunteers ng isang community pantry sa Lungsod ng Quezon sa gitna ng modified enhanced community quarantine matapos iugnay ng ilang ahensya ng gobyerno ang efforts sa Communist Party of the Philippines (CPP) at New People's Army (NPA).

Ito ang ipinahayag ni Ana Patricia Non, Martes ng madaling araw, matapos ang ilang insidente ng red-tagging sa Maginhawa Community Pantry sa QC at iba pang pantries na itinayo dahil gutom ang marami sa kaliwa't kanang COVID-19 lockdowns.

"Hindi magandang balita. [P]ause po muna ang #MaginhawaCommunityPantry para sa safety po namin ng mga volunteers. Malungkot po dahil hindi muna maipapamahagi ang goods na inihanda namin buong maghapon dahil po sa #RedTagging na nagaganap," ani Non.

"Humihingi din po ako ng tulong kay [QC Mayor] Joy Belmonte tungkol sa usapin na ito. Lalo na po ay hiningi po ng tatlong pulis ang number ko at tinatanong po kung anong organisasyon ko."

#CommunityPantry #Presscon Hindi magandang balita. Bukas po pause po muna ang #MaginhawaCommunityPantry para sa safety...

Posted by AP Non on Monday, April 19, 2021

Aniya, natatakot siyang pumunta mag-isa sa pantry ng 5 a.m. dahil sa mga "walang basehang paratang." 

Kilalang aktibista si Non ngunit sa ligal na larangan, hindi sa pag-aarmas: "Gusto ko lang po talaga makatulong at sana po ay huwag nyo masamain," kanyang pagtatapos.

Una nang sumaludo ng Malacañang ang mga naturang pantries lalo na't magandang nagtutulungan sa panahon ng pandemya. Kasalukuyang nasa 40% pa lang din kasi sa lockdown ayuda sa Metro Manila ang nakukumpleto sa ngayon.

NTF-ELCAC, QCPD at community closures

Ilan sa mga na-document na nag-uugnay sa efforts sa CPP-NPA ay ang Quezon City Police District (QCPD) at National Task Force to End Local Community Armed Conflict. Burado na ng QCPD ang kanilang paskil ngunit maraming naka-screenshot nito.

Posted by AP Non on Monday, April 19, 2021

Ito ba ang taos-pusong tulong?

Posted by National Task Force to End Local Communist Armed Conflict on Monday, April 19, 2021

Ilang volunteers din aniya ang hinaharass sa ngayon ng kapulisan dahil aarestuhin daw sila kung muling magbukas ang mga pantry.

Posted by AP Non on Monday, April 19, 2021

Kinundena rin ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang insidente, lalo na't meron din silang sariling community pantry na "Tulong Obrero," bagay na pinatatakbo ng mgamanggagawang unyonista.

"Itong gobyernong Duterte, PNP at NTF ELCAC, imbis na mahiya at bigyan ng sapat ayuda ang mga tao, nangredtag at nanakot pa!" ani Jerome Adonis, secretary general ng KMU.

"'Di na nga nagbigay ng ayuda, nanggugulo pa ng tulungan ng mamamayan. Ayudang sapat ang dapat nilang tutukan, hindi redtagging."

Hinihingi na ng Philstar.com ang pahayag ni Belmonte at QCPD ngunit hindi pa tumutugon hanggang sa ngayon.

Sinabi naman ni PNP chief Debold Sinas na hindi nila iniutos ang "profiling" ng organizers ng pantry, lalo na't personal itong aktibidad ng mga indibidwal na nais tumulong.

"It is beyond the interest of the PNP to delve into purely voluntary personal activities of private citizens," paliwanag ni Sinas sa isang statement.

"We are aware of the activities of these community pantries as an expression of Bayanihan spirit, but we have no intention to interfere but to serve the best interest of law and order and public safety in such public activities."

Kaugnay niyan, public health standard lang daw ang kanilang iniisip lalo na't delikado sa COVID-19 ang mga pagtitipon. Ito'y kahit may physical distancing naman sa community pantries. Dagdag pa niya, "hindi sila nakikialam" sa mga naunang solidarity efforts, bagkos ay tumulong pa nga raw sila.

Inilinaw naman ni Interior Undersecretary Martin Diño na hindi na kailangang humingi ng permit ang mga organizer ng pantries ngunit dapat makipag-ugnayan sa baranggay para matulungan natitiyak ang health standards.

Tila pagbawi ito sa una niyang sinabi sa ANC ngayong umaga na kailangan ng "permit." "Instead na nagbibigay ka ng pagkain baka mamayan 'yan pa ang mag-trigger para magkahawa-hawa [ng COVID-19]," aniya.

NPC: Bara-barang profiling iligal

Binanatan naman ng National Privacy Commission ang diumano'y pangongolekta ng datos ng organizers. Kasama raw kasi sa mga kinukuha ay ang mga email, pangalan, family background at iba pa.

"We would like to emphasize that collecting personal data must be done faily and lawfully with respect to the rights of a data subject, including the rights to to be informed and object," ani Privacy Commissioner Raymund Enriquez Liboro.

"The [PNP's] leadership in the past has acted on unlawful profiling and recognized the importance of protecting the privacy of the citizrenry in the performance of their duties.

Nananawagan ngayon si Liboro sa PNP Data Protection Office na silipin ang mga naturang reklamo sa kanilang mga tauhan na maaaring makalapag sa karapatang pantao. 

Kung kakailanganin daw itong gawin, dapat ay transparent at lehitimo. "In times of adversity, Filipinos have the ability to come together and do extraordinary deeds," dagdag pa niya.

"We must continue these efforts to build trust within and across communities amid this unprecedented health crisis." — may mga ulat mula kay Ian Nicolas Cigaral

ACTIVISM

JOY BELMONTE

LOCKDOWN

MODIFIED ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE

NTF-ELCAC

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RED-TAGGING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with