Bising lalo pang lumakas, Luzon at Visayas tumbok
MANILA, Philippines — Bahagyang lumakas ang bagyong Bising habang kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa may Philippine Sea.
Alas-4 ng hapon kahapon, ang sentro ng bagyo ay nasa layong 460 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar taglay ang lakas ng hangin na umaa-bot sa 195 kph at pagbugso na 240 kph.
Bunga nito, nakataas ang signal No. 2 sa Catanduanes sa Luzon at Northern Samar, Eastern Samar, at Samar sa Visayas.
Signal number 1 sa 20 lugar sa Luzon kabilang ang Sorsogon, Albay, eastern portion ng Camarines Sur (Calabanga, Naga City, Pili, Bula, Bombon, Magarao, Canaman, Gainza, Camaligan, Milaor, Minalabac, Tinambac, Siruma, Lagonoy, Goa, Tigaon, Ocampo, Baao, Iriga City, Nabua, Balatan, Bato, Buhi, Sagnay, San Jose, Garchitorena, Presentacion, Caramoan, San Fernando), and the eastern portion of Masbate (Baleno, Masbate City, Mobo, Uson, Dimasalang, Palanas, Cataingan, Pio V. Corpuz) kasama ang Ticao Island.
Ngayong Linggo, si Bising ay magpapaulan sa Visayas, Bicol Region, at southern portion ng Quezon at sa Lunes ay makakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Northern Samar, Bicol Region, at southern portion ng Quezon.
Sa susunod na 24 oras, makakaranas ng maalong karagatan ang eastern seaboards ng Luzon at napaka alon sa nalalabing seaboards ng Northern Luzon at eastern seaboards ng Mindanao. Mapanganib ang maglakbay sa karagatan sa naturang mga baybayin.
Ngayong linggo, si Bising ay nasa layong 300 km silangan ng Virac, Ca-tanduanes at sa Lunes ay nasa layong 555 km sila-ngan ng Infanta, Quezon.
Magtatagal si Bising hanggang sa Huwebes.
- Latest