^

Bansa

Laban sa COVID-19? 'Tuob' pwedeng magdulot pa ng ibang sakit — eksperto

Philstar.com
Laban sa COVID-19? 'Tuob' pwedeng magdulot pa ng ibang sakit — eksperto
Makikitang nasa loob ng bahay ang pamilyang ito sa Maynila sa gitna ng COVID-19 lockdown na ipinatupad ng gobyerno, ika-18 ng Marso, 2020
AFP/Maria Tan, File

MANILA, Philippines — Imbis na makatulong, maaaring magdulot pa nga ng kapinsalaan sa tao ang paggamit ng "steam inhalation" bilang pangontra sa kinatatakutang coronavirus disease (COVID-19), muling pagpapaalala ng isang dalubhasa nitong Sabado.

Kahit 2020 pa kasi sinasabi ng Department of Health (DOH) at World Health Organization (WHO) na wala namang bisa laban sa nakamamatay na virus ang "tuob" o "suob," marami pa rin ang gumagamit nito bilang pananggalang sa sakit.

"That's not proven to be helpful and can actually damage the lining of your mucosa which can predispose you to even more infections," ani Dr. Anna Lisa Ong-Lim ng DOH-Technical Advisory Group at Philippine General Hospital.

Sa kabila nito, hindi inilinaw ni Ong ang iba pang "infections" na pwedeng makuha ng tao na nagsasagawa nito.

Tumutukoy ang tuob o suob sa tradisyunal na home-based therapy kung saan lumalanghap ang pasyente ng usok mula sa maiinit na tubig na nilagyan ng asin at iba pang mga halamang gamot.

Hunyo 2020 nang tumanggap ng batikos si Cebu Gov. Gwendolyn "Gwen" Garcia matapos irekomenda at biglang itanggi ang pag-eengganyo ng pagtutuob laban sa COVID-19.

'Walang ebidensya, baka mapasama pa ang virus'

Pero hindi niyan mapapatay ang SARS-CoV-2, o ang virus na nagdudulot ng COVID-19 sa tao, ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Sa totoo lang, wala nga raw talaga itong batayan sa agham. 

"Nais naming bigyang linaw na walang scientific evidence na nagpapatunay na steam inhalation or paglanghap ng steam na may asin, lemon at ipang sangkap ay nakakapatay ng virus na nagiging sanhi ng COVID-19," wika pa ni Vergeire noong nakaraang taon.

"May posibilidad pa na mapasama ang virus sa singaw na maaaring pagmulan ng lalong pagkalat ng sakit. Ang steam inhalation din po ay nagpaparami ng secretions sa ilong na posibleng makahawa ng sakit sa pamamagitan ng pagbahing or pag-ubo ng individual."

Ganyan din naman ang sinabi ng WHO habang idinidiin na pwede pa nga itong magdulot ng "burn injury" o pagkapaso, imbis na makatulong laban sa COVID-19. 

Q: Is tuob/suob (steam inhalation) a cure for COVID-19? A: Salt water steam will not prevent you from catching #COVID19. Extremely hot steam can be harmful, as there is a risk of burn injury.

Posted by World Health Organization Philippines on Tuesday, August 25, 2020

"Until there is sufficient evidence, WHO cautions against recommend or administering unproven treatments to patients with COVID-19 or people self-medicating with them."

Sa huling taya ng DOH ngayong araw, umabot na sa 876,225 ang namamatay sa COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 15,149 na ang binawian ng buhay. — James Relativo at may mga ulat mula sa The STAR

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

REMEDY

TUOB

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with