^

Bansa

23 hospital workers na nabakunahan sa Cagayan, tinamaan ng COVID-19

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Sa kabila na naturakan na ng bakuna laban sa COVID-19, nasa 23 medical health workers ng Alcala Municipal Hospital (AMH) sa Cagayan ang nagpositibo pa rin sa nasa­bing sakit noong Martes.

Sa social media advisory ni Alcala Mayor Christine Antonio, ang mga tinamaan ng virus ay pawang mga doktor, nurse at iba pang hospital staff.

Aniya, ang hospital ay dati nang may 14 pa­s­yenteng may COVID-19 at sila’y inaalagaan ng mga healthcare workers na nahawaan ng virus.

Kinumpirma naman sa PSN ni Cagayan Provincial Health Officer Dr. Carlos Cortina na ang mga kawani ng naturang ospital ay naturukan ng unang dose ng bakuna laban sa COVID-19 noong nakalipas na buwan bago sila tinamaan ng virus.

Hindi tinukoy ni Cortina kung anong bakuna ang tinanggap ng mga taga AMH. Dahil dito, umapela ang mayor ng tulong para sa lutong pagkain at iba pang pangangailangan ng mga nasa loob ng ospital dahil walang maaaring lu­mabas sa kanila.

AMH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with