Erap Estrada 'lumubha ang pulmonya' habang nilalabanan ang COVID-19
MANILA, Philippines — Lalong sumama ang lagay ni dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada habang nilalabanan niya ang sakit na coronavirus disease, pagkukumpirma ng kanyang pamilya, Martes.
Sa medical bulletin na inilabas ni dating Sen. Jinggoy Estrada ngayong araw, sinabing napilitan nang ilagay ang former actor-turned-president sa mechanical ventillation dahil sa paglala ng kanyang kalusugan.
"Yesterday, my father’s condition suffered a setback as his pneumonia worsened," ani Jinggoy kanina.
"Because of this and the resulting increase in oxygen requirement, his doctors decided to place him on mechanical ventilation."
#2 MEDICAL BULLETIN OF FMR. PRES. JOSEPH EJERCITO ESTRADA: Yesterday, my father’s condition suffered a setback as his...
Posted by JE Estrada on Monday, April 5, 2021
Aniya, ginagawa ito para pahusayin ang oxygen delivery sa ama at para mapigilan ang mapagod ang kanyang respiratory mechanism.
Lunes naman nang gabi nang manawagan si dating Sen. JV Ejercito, anak din ni Erap, ng dasal mula sa publiko, kaugnay ng kalusugan ng ikalawa.
"Please continue praying for my dad," ani Ejercito.
Please continue praying for my dad. ????????
— JV Ejercito (@jvejercito) April 5, 2021
Nasa ICU matapos ang COVID-19 infection
Dalawang araw pa lang ang nakalilipat nang ibalitang inilipat sa intensive care unit ang kanyang ama para na rin lalong maobserbahan ang lagay.
Ika-29 ng Marso nang ianunsyo nina Jinggoy at JV na isinugod sa ospital ang kanilang tatay dahil sa COVID-19, isang sakit na kilalang mabagsik laban sa mga senior citizens. Si Erap ay 86-anyos na.
"My father has always been a fighter and I hope that with the help of your prayers he will win this battle," patuloy ni Jinggoy.
"Pls continue praying for his immediate recovery."
Matatandaang napatalsik noon sa pagkapangulo si Estrada matapos ang pag-aalsa ng EDSA II Enero 2001.
Pinalitan siya ng kanyang Bise Presidente Gloria Macapagal-Arroyo matapos ng ouster.
Matapos makulong nang maraming taon dahil sa patung-patong na kaso, naikalaya si Estrada noong 2007 at nanalo pa bilang alkalde ng Maynila. — James Relativo
- Latest