^

Bansa

'Patuloy na ligalig': Bulkang Taal nagtala ng 269 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras

James Relativo - Philstar.com
'Patuloy na ligalig': Bulkang Taal nagtala ng 269 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras
Litrato ng lagay sa Bulkang Taal noong ika-24 ng Marso, 2021
Released/Office of Civil Defense

MANILA, Philippines — Patuloy na nagpapakita ng papatinding volcanic activity ang Bulkang Taal sa nakaraang araw matapos nitong magpamalas nang mas maraming pag-uga, pagbabahagi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Malayo na ito mula sa apat na volcanic tremors na naitala ng Taal Volcano Network nitong ika-28 ng Marso, hanggang sa sumirit na ang bilang ng mga pagyanig.

Ayon sa tala ng Phivolcs, Biyernes, nasa 269 volcanic earthquakes ang nai-record ng Taal Volcano Network sa nakaraang 24 oras:

  • volcanic tremors (219)
  • low frequency volcanic earthquakes (49)
  • volcano-tectonic earthquake (1)

Mahihinang pagsingaw: Naitala sa taas na 10 metro mula sa mga fumaroles o gas vents sa Main Crater ng bulkan.

Pagbuga ng sulfur dioxide: Umabot ito sa humigit-kumulang sa 1670 tonelada kada araw noong ika-1 ng Abril 2021.

"Ang sukat ng ground deformation ng bulkan batay sa electronic tilt, continuous GPS at InSAR data ay nagsasaad ng marahan at patuloy na pamamaga ang kalakhang Taal magmula pa nang pagsabog ng bulkan noong Enero 2020," ayon sa pagtatasa ng Phivolcs kanina sa isang pahayag.

"Sa kabuuan, ang mga nabanggit na batayan ay maaaring nagsasaad ng patuloy na pagligalig ng magma sa 'di kalalimang bahagi ng bulkan." 

Nananatili sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal magpahanggang sa ngayon. Dahil dito, pinapaalalahan ang madla na maaaring biglaang manalasa sa paligid ng Taal Volcano Island (TVI) ang sumusunod:

  • steam-driven o phreatic na pagputok
  • volcanic earthquake
  • bahagyang abo
  • mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas

"Mariing iminumungkahi ng DOST-PHIVOLCS na maigting na ipagbawal ang pagpasok ng sinuman sa TVI, na siyang Permanent Danger Zone o PDZ ng Bulkang Taal, lalung-lalo na sa may gawi ng Main Crater at ng Daang Kastila fissure, at ang paninirahan at pamamangka sa lawa ng Taal," patuloy ng state volcanologists.

"Ang mga lokal na pamahalaan ay hinihikayat na patuloy na suriin at pagtibayin ang kahandaan ng mga dati nang nilikas na barangay sa paligid ng Lawa ng Taal kung sakali mang magkaroon ng panibagong pag-aalburoto ang bulkan."

Hinihikayat din muna ang mga may-katungkulan sa citivil aviation na paiwasing magpalipad ng eroplano ang mga piloto malapit sa bulkan dahil na rin sa naglilipanang abo at umiitsang bato na "maaaring idulot ng isang biglaang pagputok ng bulkan."

Patuloy naman daw nagbabanta ang Phivolcs sa kalagayan ng Bulkang Taal upang ipabatid ang anumang pagbabago sa inaasal nito sa lahat ng kinauukulan.

PHIVOLCS

TAAL VOLCANO

VOLCANIC EARTHQUAKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with