^

Bansa

'Kakarampot': P1,000 ECQ ayuda sa NCR+ kinastigo ng solon, economic experts

James Relativo - Philstar.com
'Kakarampot': P1,000 ECQ ayuda sa NCR+ kinastigo ng solon, economic experts
Dagsaan ang mga mamimiling ito sa isang grocery store matapos ianunsyo ng Palayso ang enhanced community quarantine para sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal, ika-27 ng Marso, 2021
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Hindi ikinatuwa ng isang militanteng kinatawan sa Kamara at economic experts ang aniya'y "maliit" na ayudang ipinangako ng gobyerno sa mga apektado ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at apat na kalapit nitong probinsya na siyang nakaaapekto sa kabuhayn nang marami.

'Yan ang inireklamo ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro, Miyerkules, matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P1,000 supplemental amelioration program na mungkahi ng Department of Budget and Management (DBM) nitong Lunes.

"Saan makakarating ang P1,000 na ito at maximum daw na P4,000 kada pamilya?" tanong ni Castro sa press briefing ng progresibong Makabayan bloc ngayong araw.

"Itong P1,000 kada indibidwal at P4,000 [kada pamilya] ay napakaliit kumpara natin ito last year."

Sa estima ng IBON Foundation, nasa P1,064 ang kailangan ng pamilyang Pilipino na may limang miyembro para matugunan ang "basic needs" sa isang araw lang — batay na rin sa mga datos mula Pebrero 2021.

Noong 2020, nasa P5,000 hanggang P8,000 social amelioration program (SAP) ang ibinigay ng gobyerno sa nasa 18 milyong mahihirap na pamilya na lubhang naapektuhan ng pinakamatitinding lockdown.

Matatandaang umabot sa 15-year high ang unemployment rate para sa kabuuang taon ng 2020 matapos isara ang maraming establisyamento at pagbawalang lumabas ng bahay ang marami dahil sa COVID-19 at kalakip na lockdown measures ng gobyerno.

Ilang buwang limitado ang operasyon ng mga negosyo, mall at public transportation habang ilang buwang hindi pinapayagang pumasada ang mga drayber ng tradisyunal na jeepney.

LGU bahala kung cash o 'in-kind'

Martes nang sabihin ni presidential spokesperson Harry Roque na bahala na ang mga local government units (LGUs) kung paano gagastusin ang P22.9 bilyong kakailanganin para sa ayuda: kung bibili ng relief goods o ididiretso na lang sa mga residente.

"We leave it to the local government units kung anong pinakamabilis para makarating po sa kababayan [ang ayudang cash o in-kind," ani Roque kahapon sa Palace briefing.

"Mas malawak po ngayon [ang makikinabang] kasi dati 70% lang ang binigyan natin, ngayon 80%... This is now 80% of the residents of Metropolitan Manila plus the four provinces."

Tinatayang nasa 22.9 milyong katao ang makikinabang sa bagong round ng ayuda para sa mga low-income population sa National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal dahil na rin sa lockdowns.

Nasa P23 bilyon mula sa pondong gagamitin sa ayuda ay sinasabing manggagaling mula sa Bureau of Treasury galing na rin sa credited sources sa ilalim ng Bayanihan 2 law.

Nakatakdang magpulong ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ngayong Sabado para talakayin kung ie-extend ang ECQ para sa NCR Plus matapos ang ika-4 ng Abril.

Ayudang P10,000 itinulak para sa 22.5 milyong pamilya

Kaugnay ng Itinutulak ngayon ng economic think tank na IBON Foundation na hindi dapat bababa sa P10,000 emergency cash subsidy ang dapat na ibigay ng gobyerno agad-agad. Kulang na kulang daw ang P1,000 lalo na't mas maliit pa raw ito sa dalawang araw na NCR minimum wage na P537.

"This should even be given for at least three months and then to at least the poorest 18 million or even 22.5 million families," sabi ng research group kanina.

"Substantial emergency cash subsidies will provide immediate relief to tens of millions of Filipinos as well as significantly spur aggregate demand to help the economy recover faster."

Aniya, ito raw ang kailangan sa ngayon lalo na't said na ang naimpok na pera at kawalanng kabuhayan ng taumbayan matapos ang isang taung lockdown. 

ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS

FRANCE CASTRO

HARRY ROQUE

IBON FOUNDATION

NOVEL CORONAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

SOCIAL AMELIORATION PROGRAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with