^

Bansa

Local COVID-19 cases umakyat sa 741,181 habang patay sa virus humataw sa 13,191

Philstar.com
Local COVID-19 cases umakyat sa 741,181 habang patay sa virus humataw sa 13,191
Commuters queue for free bus rides from Philcoa to Cubao in Quezon City on March 30, 2021 due to limited public transportation amid the enhanced community quarantine.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 9,296 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19) ngayong Martes, kung kaya nasa 741,181 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • lahat ng kaso: 741,181
  • nagpapagaling pa: 124,680, o 16.8% ng total infections
  • bagong recover: 103, dahilan para maging 603,310 na lahat ng gumagaling 
  • kamamatay lang: lima, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 13,191

Anong bago ngayong araw?

  • Ngayong araw naitala ang pinakamataas na bilang ng COVID-19 active cases (124,660), o 'yung mga nagpapagaling pa, sa buong kasaysayan ng Pilipinas. Nahigitan na nito ang record-high na unang naitala nitong Sabado sa bilang na 118,122.

  • Pormal nang inirerekomenda ng DOH ang isa pang linggong pagpapalawig ng pinakamahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, Laguna, Rizal, Cavite at Bulacan para na rin aniya mas maramdaman ang epekto ng government intervention sa COVID-19 surge: "Maiksi ang isang linggo. Nagmungkahi na kami ng extension. Pero siyempre, kailangan nating ibalanse sa ekonomiya kung kaya't dapat meron kaming sapat na batayan para sa pagpapalawig," ani Healthy Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa ANC sa Inggles, Martes.

  • Kahit Black Saturday, nakatakdang pagpulungan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang posibilidad na i-extend ang ECQ sa "NCR Plus" areas na nabanggit sa taas. gayunpaman, tiniyak ni presidential spokesperson Harry Roque kanina na "absolute last resort" ito kung nagkataon.

  • Kanina lang din nang kumpirmahin ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na pwedeng gumamit ng mgas valid IDs, gaya ng identification cards sa opisina, para maturukan ng bakuna laban sa COVID-19. Una na kasing sinabi ng PhilHealth na dapat meron silang identification number mula sa government health insurer bago mabigyan ng gamot.

  • Binalaan naman ni Food and Drug Administration (FDA) deputy director general Oscar Gutierrez Jr. ang publiko kanina na huwag tatangkaing bumili ng COVID-19 vaccines mula sa internet, lalo na't makakukuha lamang daw ng lehitimong gamot laban sa pathogen mula sa vaccination program ng gobyerno: They should not [be] patronized by anybody. Otherwise, they are only giving their money to the criminals," ani Gutierrez.

  • Umaabot na sa halos 126.9 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling ulat ng World Health Organization (WHO). Sa bilang na 'yan, mahigit 2.8 milyon na ang patay. 

— James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with