P100K multa sa nuisance candidate aprub sa Kamara
MANILA, Philippines — Inaprubahan na kahapon sa House panel ang panukalang pagmultahin ng P100,000 ang sinumang nuisance candidate kaugnay ng pagdaraos ng halalan sa bansa.
Nakasaad sa inihaing House Bill 91 ni 1st District Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento na sa tuwing gaganapin ang eleksyon sa Pilipinas partikular na sa national level ay parang kabuteng nagsusulputan ang mga nuisance candidate.
Ayon pa sa solon, sa pagsusumite pa lang ng Certificate of Candidacy (COC) sa Comelec ay maraming kandidato ang disqualify pero tumatakbo sa national position.
Tila ginagawa umanong biro, laro at nagpapatawa lamang ang nasabing mga kandidato para umeksena sa paghahain ng COC na kanya-kanya pang gimik.
“It’s not something that will be made as a joke... that’s the intention really of this bill,” ayon pa sa solon.
Ang mga mapapatunayang nuisance candidate ay pagmumultahin ng Comelec ng hindi bababa sa P100,000 upang magsilbing leksyon sa mga panggulo lamang sa eleksyon na tigilan ang maling gimik.
- Latest