^

Bansa

Russia tiniyak sa Pinas na safe at epektibo ang Sputnik V vaccine

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Russia tiniyak sa Pinas na safe at epektibo ang Sputnik V vaccine
Ito ang naging pahayag ni Vladlen Epifanov, Minister-counselor, Deputy Chief of Mission of the Russian Federation Embassy sa kanyang pakikipagpulong sa House Committee on People’s Participation na pinamumunuan ni Rep. Florida Robes ng San Jose Del Monte City, Bulacan upang i-follow-up ang aplikasyon ng Sputnik para sa EUA sa Food and Drugs Administration (FDA).
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Embahada ng Russia sa Pilipinas ang kaligtasan at kahusayan ng Sputnik V vaccine na panlaban sa COVID-19 kasabay ng pagkakaloob ng buong suporta sa pamahalaan sa paghahain ng aplikasyon para sa emergency use authorization (EUA).

Ito ang naging pahayag ni Vladlen Epifanov, Minister-counselor, Deputy Chief of Mission of the Russian Federation Embassy sa kanyang pakikipagpulong sa House Committee on People’s Participation na pinamumunuan ni Rep. Florida Robes ng San Jose Del Monte City, Bulacan upang i-follow-up ang aplikasyon ng Sputnik para sa EUA sa Food and Drugs Administration (FDA).

Noon pang nakaraang taon nagsasagawa ng serye ng pakikipagpulong si Robes kaugnay sa pag-usad ng bakuna para sa COVID-19 matapos aprubahan ng Russia ang Sputnik upang mapadali ang pagsisikap na magkaroon nito sa Pilipinas. Sinabi pa ni Epifanov na walang anumang masamang epekto o reaksiyon ng allergy ang Sputnik V at nagbibigay pa ng kaligtasan sa bago at mabilis makahawang bagong strains ng Covid-19. Aniya, aprubado at ginagamit na ng 29 na bansa sa iba’t ibang panig ng mundo ang kanilang bakuna at sa pamamagitan ng Russian Direct Investment Fund (RDIF), gumagawa na rin ng ganitong uri ng bakuna ang India, Brazil at South Korea upang matiyak na sapat ang produksiyon.

Ayon naman kay FDA Director General Eric Domingo, hinihintay lang nila ang ilang dokumento mula sa Gamaleya Research Institute na lumikha ng Sputnik V bago nila bigyan ng pagsang-ayon sa inihaing EUA application.

Kailangan aniya ang awtorisasyon ng lokal na ahente na lalagda sa ngalan ng Gamaleya at ng Good Manufacturing Practice upang matiyak na walang kaibahan ang produkto. Handa aniyang magtungo sa Russia ang kinatawan ng Pilipinas upang magsagawa ng pagsusuri sa pabrika ng Gamaleya.

SPUTNIK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with