Malacañang nakiramay sa mga naulila ni Bro. Eli Soriano
MANILA, Philippines — Nagpaabot ng pakikiramay kahapon ang Malacañang sa pamilya at tagasunod ng televangelist at “Ang Dating Daan” founder Bro. Eli Soriano na pumanaw sa edad na 73.
Ang pakikiramay ay ipinahatid ni Presidential spokesman Harry Roque matapos kumpirmahin ng Members Church of God International (MCGI) ang pagyao ni Soriano sa pamamagitan ng isang post sa Facebook.
“It is with deep sadness, yet with full faith in the Almighty, that we announce the passing of our beloved and one and only Bro. Eliseo ‘Eli’ Soriano — a faithful preacher, brother, father, and grandfather to many,” pagkumpirma ng kanyang religious group na Members Church of God International.
Hindi naman tinukoy sa post ang dahilan nang pagkamatay ni Soriano.
“We extend our condolences to the bereaved family, friends, loved ones, and followers of Bro. Eliseo ‘Eli’ Soriano who passed away at the age of 73,” ani Roque.
Sinabi pa ni Roque na maaalala si Soriano bilang isang tao na nagkaroon ng bahagi sa buhay ng maraming tao dahil sa kanyang mga aral.
“His dedication to propagate the words of God in the Bible was a clear testament of his steadfast love to serve his brethren and the Almighty,” ani Roque.
Itinatag ni Soriano ang programa sa radyo na Ang Dating Daan noong 1980 upang ipangaral ang salita ng Diyos na naging isa ring programa sa telebisyon.
Tiniyak naman ng MCGI na ipagpapatuloy nila ang ginagawang pagpapakalat ng salita ng Diyos ni Soriano kahit na ito ay pumanaw na. — Danilo Garcia
- Latest