^

Bansa

Senior high studes mauuna sa face-to-face classes

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Posible na mauna ang mga senior high school (SHS) students na makapag-face-to-face classes sakaling payagan na ito ulit ng gobyerno.

Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, sa ngayon ay patuloy na ang paghahanda ng ahensiya para sa dry run ng limited face-to-face classes habang hinihintay ang pagpayag ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) hinggil dito.

Sinabi pa ni San Antonio na naniniwala sila na ang mga senior high school learners, lalo na sa technical vocational track (tech-voc), ay maaaring maging prayoridad na mapabalik sa paaralan.

“Hindi rin sila kaila­ngang sabay-sabay na magpuntahan sa school, staggered din iyan para mas kakaunti ang bata na nasa paaralan,” pahayag ni San Antonio.

Noong Enero sana magdaraos  ng dry run para sa limited face-to-face classes sa ilang paaralan sa bansa.

Gayunman, pinatigil ito ni Pang. Rodrigo Duterte dahil sa banta ng bagong UK variant ng COVID-19 na mas nakakahawa.

vuukle comment

SHS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with