^

Bansa

22 sa 25 'new COVID-19 variant' cases sa bansa magaling na, isa patay

James Relativo - Philstar.com
22 sa 25 'new COVID-19 variant' cases sa bansa magaling na, isa patay
Nag-aantay ng masasakyan ang mga commuter na ito habang hirap sumakay sa gitna ng COVID-19 pandemic, ika-4 ng Agosto, 2020
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Magaling na mula sa coronavirus disease (COVID-19) variant na nadiskubre sa United Kingdom (B.1.1.7) ang karamihan sa tinamaan nito sa Pilipinas, pagkukumpirma ng Department of Health (DOH) ngayong araw.

Kahit 25 na ang "UK variant cases" sa Pilipinas, 22 ang magaling na sa mas nakahahawang COVID-19 sa bansa, ayon kay Maria Rosario Vergeire sa reporters, Lunes.

"We have two remaining active cases, we have one who have died and the rest, the 22, have already recovered," wika ng DOH official sa isang media forum kanina.

"The person [who died] is an 84-year-old from La Trinidad, Benguet... This person never went out, seldom. Pero hindi talaga, nandoon lang daw sa loob ng bahay, walang ibang contact."

Pinag-aaralan pa raw nina Vergeire kung sino ang nakapanghawa sa namatay sa Benguet, na "third or fourth week of January" daw binawian ng buhay.

Sinasabi ng World Health Organization (WHO) na aabot ng hanggang 70% na mas nakahahawa kaysa normal ang nasabing variant.

Hindi pa naman masabi ng DOH kung may "community transmission" na ang B.1.1.7 variant sa Pilipinas, kahit na dalawa sa mga tinamaan nito ang "walang makitang link" kung saan nakuha ang sakit.

"Further investigation is still required before we can confirm this. Because when we talk about community transmission, ito po 'yung laganap na o widespread na 'yung mga variants sa lugar na ito," dagdag ni Vergeire.

"Ibig sabihin wala na tayong makita na pinagkukuhanan ng impeksyon at kumalat na ang infection. So we have to be very careful when we declare this."

Patuloy naman daw nilang sinisiyasat ang mga detalye para makita ang mga pagkakaugnay-ugnay ng mga mga kaso sa isa't isa bago magdeklara ng kung anu-anong anunsyo hinggil sa transmission.

Sa huling ulat ng gobyerno nitong Linggo, umabot na sa 537,310 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Patay na sa bilang na 'yan ang nasa 11,179 katao sa ngayon.

BENGUET

DEATHS

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

RECOVERY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with