^

Bansa

Magta-taxi? TNVS? 'Child car seat' dalhin para bata ligtas — Ejercito

Philstar.com
Magta-taxi? TNVS? 'Child car seat' dalhin para bata ligtas — Ejercito
Makikitang nag-i-install ng child car seat ang lalaking ito sa isang sasakyan bilang pagsunonod sa Republic Act 11229 or Child Car Seat Law, na nakatakdang maging epektibo pagsapit ng ika-2 ng Pebrero, 2021
The STAR/Russel Palma

MANILA, Philippines — Hindi lang sa sariling kotse dapat gamitin ang mga "child car seats" kung gustong tiyakin ang kaligtasan ng mga bata sa pagkakatupad ng Republic Act 11229 — pati sa sasakyan ng iba gaya ng mga taxi o transport network vehicle service (TNVS).

Ito ang payo ni dating senador na si JV Ejercito, Biyernes, ngayong epektibo na ang "Child Safety in Motor Vehicles Act" na kanyang iniakda, bagay na nag-oobliga sa car seats para sa mga batang 12-anyos pababa.

Basahin: Car seats required for kids up to age 12

"Siguro 'pag meron kayong sanggol, mas maganda meron na rin ho kayong car seat," ayon sa senador sa panayam ng Teleradyo.

"Siyempre hindi naman natin siguro mai-e-expect na ang mga taxis ay meron silang car seat."

Hinihingi ng batas na ilagay sa child restraint system ang mga batang wala pang 4.92 feet ang tangkad na dapat mai-secure gamit ang seat belt. Pinagbabawalan din nito ang pag-upo ng mga 12-anyos pababa sa harapan ng sasakyan.

Bagama't epektibo na ang batas noong ika-2 ng Pebrero, una nang sinabi ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) na sisimulan lang nila ang paghuli ng mga hindi makasusunod sa batas sa loob ng tatlo o anim na buwan.

May kinalaman: Kawalan ng 'child car seat' sa sasakyan wala munang huli — DOTr

Basahin: Buying a car seat? Here's 5 ways to know the right fit for your kid

Oras na magsimula ang hulihan, P5,000 multa ang magiging parusa ng mga susuway, maliban sa suspensyon ng lisensya ng nagmamaneho hanggang isang buwan.  Nasa P2,000 ang pinakamurang presyo ng car seats, kaso pwede itong umabot hanggang P25,000. 

Ayon kay DOTr spokesperson Goddes Libiran, kayang ibaba ng hanggang 70% ng car seats ang "risk of death" sa mga sanggol habang 47-54% naman ang maiaawas sa fatality para sa mga batang edad 1-4 kung nasangkot sa disgrasya.

Una nang naging kontrobersyal ang batas matapos sabihin ni LTO Metro Manila chief Clarence Guinto na "dapat kumuha ng mas malaking kotse" ang mga pamilyang may mga malalaking anak na mahihirapang sumunod dito.

Humingi na ng tawad ang LTO para sa nasabing pahayag, na nabatikos na bilang "insensitive" ng ilang netizens lalo na yaong walang pera bumili ng mas malalaking motor vehicles.

"I just want to be clear that the use of the child restraint or car seat depends on the size, the weight and the height of the child. Ibig sabihin, kung kasya na po at abot niya na po ang normal na seatbelt, hindi na kinakailangan ang child restraint system or car seat," dagdag ni Ejercito. — James Relativo

vuukle comment

CAR

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

JV EJERCITO

LAND TRANSPORTATION OFFICE

TAXI

TRANSPORT NETWORK VEHICLE SERVICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with