^

Bansa

‘Suicide act’ ang price freeze ng DA sa karne ng baboy

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
‘Suicide act’ ang price freeze ng DA sa karne ng baboy
Ayon kay Pork Produ­cers Federation of the Phi­lippine Vice President for Luzon at AGAP President Nicanor Briones, maituturing na suicide act ang rekomendasyon ng DA sapagkat lalo lamang aniyang panghihinaan ng loob ang mga magbababoy, maging ang mga magmamanok at magsasaka na muling mag-alaga at magtanim.
STAR/File

MANILA, Philippines — Mariing tinututulan ng mga grupo ng mga magbababoy sa bansa ang price freeze na inirerekomenda ng Department of Agriculture (DA) bilang solusyon sa tumataas na presyo ng baboy sa bansa.

Ayon kay Pork Produ­cers Federation of the Phi­lippine Vice President for Luzon at AGAP President Nicanor Briones, maituturing na suicide act ang rekomendasyon ng DA sapagkat lalo lamang aniyang panghihinaan ng loob ang mga magbababoy, maging ang mga magmamanok at magsasaka na muling mag-alaga at magtanim.

“Kapag ito ay ipinatupad, wala nang darating na baboy sa Luzon mula sa Visayas at Mindanao dahil malulugi ang mga traders at matatakot ang mga retailers na magbenta kung hindi susunod sa price ceiling. Kapag sumunod naman ay siguradong lugi sila,” ani Briones, sa isang pahayag.

Kung mangyayari aniya ito ay makakadagdag itong lalo sa kinakaharap nga­yong food crisis ng bansa na sanhi ng kakulangan sa suplay at napakataas na presyo ng karneng baboy at iba pang agricultural products, na lahat aniya ay mga suliraning dulot ng African Swine Fever, sobrang importasyon, smuggling at pinsala ng mga nagdaang bagyo.

Giit ni Briones, dapat tanggapin na may malaking problema sa kakulangan ng pagkain, hindi lamang sa karne ng baboy, maging manok, gulay at iba pa.

Ipinanukala rin niya na isailalim ang Luzon sa state of calamity upang magamit ang emergency fund, dahil higit pa aniya ?sa 10 bagyo ang tumama sa mga magbababoy na umaabot na sa mahigit P100 bilyon ang lugi.

BABOY

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with