EO sa price ceilings sa baboy, manok ilalabas na
MANILA, Philippines — Ilalabas na umano ng Malakanyang ang executive order (EO) na pipigil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng baboy at manok.
Sinabi ni Sen. Bong Go na nirerebyu na ng Office of the President ang nasabing EO.
Lagi rin umanong pi-na-folllow up ng senador sa ehekutibo ang EO at inaasahang pipirmahan ito ng Pangulo anumang oras.
Siniguro rin ni Go sa mga stakeholders na laging binabalanse ng gobyerno ang interes ng consumers at traders.
Kaugnay nito, umapela rin ang senador sa mga negosyante na huwag itigil ang kanilang operasyon sa pagsasabing laging nariyan ang gobyerno para sila ay tulungan.
“Kailangan natin itong solusyunan. Lalung-lalo na sa panahon ngayon na marami pong mga kababayan natin ang nawalan ng trabaho. Walang pambili ng pagkain ang mga ‘yan. Tataas pa ang presyo. Mas lalong mahihirapan ang mga kababayan natin,” sinabi pa ni Go.
- Latest