^

Bansa

Mga dapat, hindi dapat gawin bago mag-COVID-19 'saliva test'

James Relativo - Philstar.com
Mga dapat, hindi dapat gawin bago mag-COVID-19 'saliva test'
Ipinakikita ni Philippine Red Cross chairperson at Sen. Richard "Dick" Gordon sa publiko, ika-12 ng Enero, 2021, kung paano gamitin ang "saliva PCR" tests — ang pinakabago at walang-aray na alternatibo sa pagte-test ng COVID-19 sa Pilipinas
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Aprubado na ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng laway para malaman kung may coronavirus disease (COVID-19) o wala ang isang tao — kaso, hindi 'yan basta-bastang ginagawa sa kahit na sino lang.

Ito ang paliwanag ni Philippine Red Cross chairperson at Sen. Richard "Dick" Gordon sa Laging Handa briefing kanila ng Palasyo, Martes.

"Magda-diet ka nang konti. 30 minutes lang," wika ni Gordon sa panayam ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar kanina.

Hindi gaya ng karaniwang RT-PCR at antigen swab tests, walang aray at hindi kailangang sundutin ang ilong o lalamunan ng magpapasuri.

Sa kabila nito, tanging ang PCR pa lang ang pwedeng gumawa ng nasabing procedure.

Mga bawal bago ang test

  • pagkain 30 minutos bago ang test
  • pag-inom ng tubig, likido
  • pagsisipilyo
  • paggamit ng mouthwash
  • paninigarilyo ng produktong tabako, e-cigarettes (vape)

"In other words, dapat talagang 'yung bibig mo malinis. [Walang] makakasagabal," dagdag ni Gordon kanina.

"Maibabalik natin ang [resulta] ng test within the next 12 hours, at least."

Mas mura rin daw kumpara sa swab ang saliva testing para sa COVID-19. Sa ngayon, P2,000 ang singil para rito, bagay na kaya pa raw ibaba hanggang 1,500.

Sinasabing nasa 98.11% ang reliability ng saliva PCR test, kumpara sa 99% ng regular na RT-PCR tests. Sa kabila nito, kinuha ng PRC ang kanilang test kits sa University of Illinois kung sa 99.9% daw ang accuracy.

Paggamit sa lahat ng laboratoryo?

Ayon naman kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Lunes, na aantayin pa ang validation results ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) bago ito igulong sa lahat ng laboratoryo sa Pilipinas.

"Wala hong kailangan na criteria kung anong klaseng pasyente [ang susuriin]. As long as the patient can provide 'yung kanilang saliva as the specimen instead of the nasopharyngeal swab," sabi ng DOH official kahapon.

"In any of the test of the tests that will be done by the PRC, they can already use this."

Nakausap na rin daw ni Gordon sina Health Secretary Francisco Duque III at Vergeire kanina at sinabing tatanggapin na ng DOH ang saliva PCR tests sa tuwing lalabas ng Pilipinas.

Plano na rin ng Red Cross igulong ang mga nasabing tests sa mga pabrika, malls atbp. pang estratehikong lugar para mailapit sa madla.

Sa huling ulat ng DOH kanina, umabot na sa 516,116 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 1,173 na ang patay.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

EXPLAINER

NOVEL CORONAVIRUS

PHILIPPINE RED CROSS

SALIVA

SWAB TEST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with