EO vs taas-presyo ng manok inilabas ng Palasyo
MANILA, Philippines — Naglabas na ng kautusan ang Palasyo para pigilan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng karneng manok at iba pang poultry products sa bansa.
Sa Executive Order 123 na pinirmahan ni Pangulong Duterte nitong Enero 15, 2021, sinabi nito na may pangangailangan na tiyakin ng gobyerno ang patuloy na supply ng essential food products sa matatag na presyo.
Ito ay para tulungan ang mga negosyo na makarekober at mapanatili ang kanilang operasyon sa harap ng pandemic.
Kaya inirekomenda ng National Economic Development Authority (NEDA) na panatilihin ang tariff rate o buwis sa mga mechanically debone meat ng manok at turkey.
Ipinag-utos din ng EO na hindi muna dapat magtaas ng buwis sa mga fresh, chilled at frozen cap chiken.
- Latest