^

Bansa

Lapu-Lapu bida sa bagong P5,000 commemorative bill ng BSP

Philstar.com
Lapu-Lapu bida sa bagong P5,000 commemorative bill ng BSP
Kuha ng bagong P5,000 commemorative banknote at medalya ng BSP na pinagbibidahan ni Lapu-Lapu
Video grab mula sa RTVM Facebook page

MANILA, Philippines — Bilang paggunita sa ika-500 taong anibersaryo ng pag-circumnavigate ng mundo at paggapi ng mga sinaunang Pilipino sa mga mananakop na Espanyol, inilabas ngayong araw ng Bangko Sentral ng Pilipino (BSP) sa limitadong bilang ang panibagong perang kikilala sa kabayanihan ni Lapu-Lapu.

Ngayong Lunes nang i-launch ito ng BSP, sa pakikipagtulungan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), ang nasabihing salapi kasama ng isang silver commemorative medal sa Lungsod ng Maynila.

"The Bangko Sentral ng Pilipinas, through its monetary board, approved the production of 5,000-Piso commemorative, non-circulation, legal tender banknote and commemorative medal," ayon sa presentasyon ng BSP.

"The commemorative medal is made of 99.9% silver and weighs 31.1 grams."

"Legal tender" ang nasabing salapi at pwedeng gamitin pambayad. Gayunpaman, non-circulation ito o hindi paiikutin gaya ng karaniwang pera.

Kasama sa binibigyang pugay sa nasabing salapi ay ang pagpupunyagi ng mga sinaunang Pilipino sa "Battle of Mactan," ang "karakoa" na isang sinaunang barkong pandigmangmga Pinoy, Bundok Apo at ang Philippine Eagle.

"The launching of the P5,000 commemorative banknote and medal, which depicts the gallantry of Lapu-Lapu and the great warriors of Mactan, celebrates not only the climax of the first circumnavigation of the world, but also our pre-colonial past that serves as the foundation of our nation's glorious history," ani Executive Secretary Salvador Medialdea na dumalo sa pagtitipon.

"We would like to motivate our fellow Filipinos to embrace our past and have a better understanding of our evolution as a country from several fragmented chiefdoms into one single nation."

 

 

Karaniwang naglalabas ng commemorative cuirrency gaya ng papel na pera o barya ang BSP para "papurihan ang isang espisipikong tao, lugar o pangyayari" na nag-iwan ng marka sa kasaysayan ng Pilipinas.

Sa tuwing naglalabas ng baryang commemorative coins ang Pilipinas, karaniwang gumagamit ng mamahaling mga bakal gaya ng ginto o pilak — bagay na naghihiwalay sa kanila sa ibang pera ng bansa. — James Relativo

BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS

BATTLE OF MACTAN

LAPU-LAPU

SALVADOR MEDIALDEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with