^

Bansa

Pag-'ban' ng Pampanga town sa mga taga-QC binanatan ni Belmonte

Philstar.com
Pag-'ban' ng Pampanga town sa mga taga-QC binanatan ni Belmonte
Makikitang nagtatalumpati si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa undated file photo na ito
The STAR, File

MANILA, Philippines — Hindi nagustuhan ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Quezon ang ginawang pagsasara ng ng bayan ng Arayat, Pampanga sa kanilang mga constituents sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic — bagay na "discriminatory" daw at "pagkakalat ng takot."

Kamakailan kasi nang magpataw ng travel restriction sa QC residents si Arayat Mayor Emmanuel Alejandrino dahil sa mas nakahahawang United Kingdom variant ng COVID-19 na nakita sa isang tagaroon, ayon sa ulat ng GMA News.

"We strongly denounce the Arayat local government’s decision to restrict the entry of Quezon City residents to their municipality, because this decision is totally without basis, can cause undue panic,  and is tantamount to discrimination," wika ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, Lunes.

Aniya, "halatang hindi nagbasa ng official news reports" ang Arayat LGU lalo na't ni hindi man lang daw tumapak ng Quezon City ang naturang 29-anyos na lalaki matapos makabalik mula Dubai, United Arab Emirates (UAE) niyonh ika-7 ng Enero.

Statement of Mayor Joy Belmonte on the restriction imposed by Arayat LGU against QC residents We strongly denounce the...

Posted by Quezon City Government on Sunday, January 17, 2021

Bukod pa riyan, nanatili raw sa quarantine hotel ng 14 araw ang nasabing pasyente: "On the night of January 13, the city government and the city health department were informed by the DOH that he has the so-called United Kingdom variant. Since January 8, he has been staying at a facility where he remains up to this day for treatment," dagdag ni Belmonte.

Umabot na sa 143 indibidwal ang itinuturing na contacts ng nasabing UK variant patient, bagay na mahigpit daw na binabantayan. Kasama sa kanila ang nasa 30 healthcare workers at barangay health workers na tumulong sa pasyente mailipat smula sa isang hotel sa Maynila patungong isolation facilaity sa Quezon City.

Sa walong close contacts ng nasabing lalaki, naka-quarantine na ang nasa pito katao habang inaantay ang kanilang test results. Pinatitindi pa rin naman daw ang pagsusumikap na matunton ang nalalabing isa.

"For the above-mentioned reasons, we appeal to the Arayat LGU to reconsider its earlier order and allow QC residents to enter its jurisdiction," panapos ni Belmonte.

Sinasabing mas nakahahawa nang hanggang 70% ang UK variant ng COVID-19 kumpara sa karaniwan.

Sa huling ulat ng Department of healtyh (DOH), umabot na sa 502,736 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, patay na ang 9,909. — James Relativo

 

Disclosure: Si Quezon City Mayor Joy Belmonte ay shareholder ng Philstar Global Corp., na nagpapatakbo ng digital news outlet Pilipino Star Ngayon. Ang artikulong ito ay nilathala batay sa editorial guidelines.

ARAYAT

JOY BELMONTE

NOVEL CORONAVIRUS

PAMPANGA

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with