Normal na buhay sa 2023 pa posible
MANILA, Philippines — Maaaring sa 2023 pa o sa susunod na taon bumalik sa normal na buhay ang mga Filipino kung magtutulungan ang lahat at mababakunahan nga-yong taon ang nasa 50-70 milyong Filipino.
Ayon kay vaccine czar at Chief Implementer ng National Task Force COVID-19, Carlito Galvez Jr., kailangang kumilos sa iisang direksiyon ang lahat kasama ang national government, local government units para mabigyan ng bakuna ang mayorya ng mga Filipino.
Ipinunto ni Galvez na hindi solong responsibilidad ng gobyerno ang National Vaccination Program dahil ito ay responsibilidad ng buong bansa.
Magbabalik aniya sa normal ang pamumuhay kung lahat ay magkakaisa at magbabayanihan.
“Sinasabi nga po ng ating mahal na Presidente...until everyone is safe. He always says to us that walang maiiwan, walang iwanan,” ani Galvez.
Binanggit din niya na layunin ng tatlong taong Philippine National Vaccine Roadmap na mabigyan ng ligtas, epektibo at libreng bakuna ang lahat lalo na ang mga mahihirap na komunidad.
- Latest