^

Bansa

'Bakuna hindi cha-cha': Pagbabago ng 1987 Constution pinalagan habang pandemya

James Relativo - Philstar.com
'Bakuna hindi cha-cha': Pagbabago ng 1987 Constution pinalagan habang pandemya
Protesta ng ilang militanteng grupo sa labas ng Kamara habang nagpapatuloy ang mga deliberasyon sa pagbabago ng ilang probisyon ng 1987 Constitution, ika-13 ng Enero, 2020
Released/Sama-samang Artista para sa Kilusang Agraryo

MANILA, Philippines — Kaysa baguhin ang mga probisyon ng Saligang Batas, naninindigan ang ilang kritiko at economic experts na unahin na lang ng Konggreso ang agarang paghahatid ng kalutasan sa nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19), bagay na umaariba ngayon sa taas ng death toll sa Pilipinas.

Ngayong Miyerkules kasi nang ituloy ng Kamara ang deliberasyon patungkol sa panukala ng ilang mambabatas na palitan ang ilang patakarang pang-ekonomya ng bansa gaya ng pagpayag sa sa pagmamay-ari ng mga dayuhan sa mga lupain, pagluwag sa banyagang pamumuhunan atbp. 

Pero takot ng ilan, hindi malayong mnasingitan ito ng pagpapahaba sa termino ng ilang gobyerno opisyal.

"Bakuna hindi [charter change]. Inaaksaya ng pamahalaan ang oras sa mga bagay at usapin na hindi akma at angkop sa kasalukuyang suliranin na patuloy nating pinagdaraanan," giit ni Rep. Eufemia Cullamat (Bayan Muna party-list) sa isang pahayag, Miyerkules.

"Ginagawa lamang dahilan ang pagbabago ng Konstitusyon upang mabigyang daan ang kanilang personal na hangarin na manatili sa kapangyarihan lampas sa 2022."

Ngayong araw lang nang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 146 bagong namatay kaugnay ng COVID-19 — ang pinakamataas simula pa noong Setyembre 2020. Pero paliwanag nila, datos pa noong Disyembre ang ilan dahil sa late reporting.

Basahin: 'Highest new COVID-19 deaths' sa loob ng halos 4 na buwan iniulat ng DOH

Itinanggi naman ni House Chair on Constitutional Amendments Alfredo Garbin Jr. na iniluluto ang pagtatanggal ng term limits. Aniya, economic provisions lang ang gagalawin.

"Yes, we are sitting as a constituent assembly, exercising our constituent power," ani Garbin, kahit na dapat magpasa muna ng resolusyon bago gawin ito sabi ng constitutional law professor na si Tony La Viña.

'Pambawi sa pinsala ng COVID-19'

Para kay House Speaker Lord Allan Velasco, napapanahon ang lalong pagbubukas ng ekonomiya ng Pilipinas para baliktarin ang pinsalang idinulot ng COVID-19 pandemic sa ekonomiya matapos ang kaliwa't kanang lockdowns at paghihigpit.

"As global economies slowly start to reopen, we cannot allow the Philippines to lag behind in terms of investments and opportunities," wika ng House leader.

"We need to seize the momentum if we are to fully recover from the economic devastation of COVID-19."

Suportado ngayon ng tatlong professor emeritus ng University of the Philipines School of Economics (UPSE) gaya nina Raul Fabella, Gerardo Sicat at Ernesto Pernia ang panawagang cha-cha, bagay na magtitiyak daw ng mas malaking empleyo at gross domestic product (GDP) ng bansa.

Three professors emeritus from the University of the Philippines School of Economics (UPSE) on Wednesday expressed...

Posted by House of Representatives of the Philippines on Wednesday, January 13, 2021

Umabot na naman na raw ng 556,000 ang pirmang nalikom ng Department of the Interior and Local Government (DILG) noong ikinakampanya pa nila ang pederaliso, na siyang kumakatawan daw sa mga sumusuporta sa cha-cha ayon kay Interior spokesperson Jonathan Malaya. "There is no better time to amend the restrictive economic provisions," dagdag niya.

IBON: Cha-cha magpapalala pa sa ekonomya

Kung si IBON Foundation executive director Sonny Africa ang tatanungin, imbis na makatulong ang pagbubuwag ng property structures ng bansa, baka mas mailagay lang daw sa alanganin ang ekonomiya.

"Removing restrictions on foreign business ownership in PH will put us in a worse situation," sambit niya sa panayam ng ANC kanina.

"Advanced economies have realized the need for regulating investments... Charter change move not just unnecessary but also ill-timed."

Bukod pa riyan, lahat din daw ng pagsisikap na baguhin ang Saligang Batas sa kasaysayan ay nagpakita ng tangkang pahabain ang term limits.

Isang linggo pa lang ang nakalilipas nang sabihin ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magamit din ang cha-cha para durugin ang ilang party-lists na iniuugnay sa Communist Party of the Philippines (CPP). Posible raw na maghain siya ng panukala sa Lunes pagdating diyan— may mga ulat mula kay Xave Gregorio, News5 at BusinessWorld

1987 CONSTITUTION

CHARTER CHANGE

CONSTITUENT ASSEMBLY

FOREIGN OWNERSHIP

INVESTMENTS

LORD ALLAN VELASCO

TERM EXTENSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with