Saliva test nakaumang nang gamitin ng DOH
MANILA, Philippines — Malaki umano ang tiyansa na maaprubahan na rin sa Pilipinas ang paggamit ng laway bilang specimen o saliva testing sa pagtukoy ng mga kaso ng COVID-19 sa oras na matapos ang isinasagawang pagsusuri dito.
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na kailangan pa kasi na magkaroon rin ng ‘accurate’ na resulta at mataas na ‘concordance rate’ o maihahalintulad sa swab test ang resulta ng pagsusuri sa saliva testing bago ito magamit.
Nauna rito, sinabi ni Philippine Red Cross (PRC) Chairman and CEO, Sen. Richard Gordon na natatagalan ang pamahalaan sa pag-apruba sa saliva test na nais sana nilang gamitin sa pagsusuri ng COVID-19 dahil mas mura at mas accurate ito.
Posibleng abutin lamang ng hanggang P2,000 o mas mababa pa ang halaga ng saliva test at mas mabilis ring makuha ang resulta nito, na maaaring abutin lamang ng tatlong oras.
Ginagamit na ito nga-yon sa Estados Unidos na nakapagtala ng 99 por-syento na ‘detection rate’ sa virus. Aprubado na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit nito bilang kahalili ng mas mahal na RT-PCR test.
- Latest