^

Bansa

Giit ng PNP: Namatay na flight attendant 'ni-rape' kahit ibang anggulo lumulutang

James Relativo - Philstar.com
Giit ng PNP: Namatay na flight attendant 'ni-rape' kahit ibang anggulo lumulutang
Litrato ni Christine Dacera, isang 23-anyos na biktima ng diumano'y "rape-slay" nitong Bagong Taon sa Makati City
Mula sa Facebook account ni Christine Dacera

MANILA, Philippines — Sa kabila ng mga duda sa pagkakagahasa diumano ng viral na pagkamatay ng isang flight attendant sa Makati nitong Bagong Taon, nanindigan ang pamunuan ng Philippine National Police na hinalay muna ang biktima bago tuluyang malagutan ng hininga.

Ito ang sinabi ni PNP chief Police Gen. Debold Sinas sa isang briefing, Miyerkules, matapos ang ilang kwestyon sa tunay na pagkamatay ni Christine Dacera, 23-anyos, sa isang hotel sa Makati City.

Basahin: 23-anyos flight attendant natagpuang patay sa hotel

"I think there's really rape. 'Yung babae, with bruises, confirmed lacerations tapos may fluid sa private parts niya... It really happened," ani Sinas.

"Ipagpalagay na nating nalasing 'yung babae... Ay wala namang karapatan ang isang lalaki na makipag-sex sa babae [nang walang pahintulot]."

Ika-1 ng Enero nang matagpuang walang buhay ang katawan ni Dacera sa City Garden Grand Hotel, matapos maki-party kasama ang mga kaibigang lalaki para sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Una nang sinabi ni Makati City Police chief Col. Harold Depositar na namatay si Dacera dahil sa "ruptured aortic aneurysm," maliban sa "pagputok" ng ugat sa utak ng 23-anyos.

Tinitiyak pa naman daw ng panig nina Depositar kung totoong na-rape ang yumao, lalo na't wala pa raw lumalabas na testigo sa insidente.

"There was sexual contact, based on medico-legal report," sabi ni Depositar.

Tatlo na sa mga kaibigan ni Dacera ang inaresto at sinampahahan ng kasong "rape with homicide" habang siyam pa ang pinaghahanap ng mga alagad ng batas.

Bagama't patuloy ang paghahanap at 72-oras na ultimatum bago ang "pwersahang" manhunt operations, matatandaang sinabi na ni Sinas na "case solved" na ang krimen.

Basahin: PNP spox: 72-hour ultimatum for suspects in Dacera's case for 'waiting' of arrest warrant

May kinalaman: 3 tiklo sa Makati rape-slay ng flight attendant; 'case solved' kahit 9 tinutugis pa

Sinabi na ng human rights lawyer na si Sol Taule na walang legal basis ang isang "manhunt" at "hot pursuit operations" habang wala pang warrant of arrest.

'Malabo pa mga detalye, huwag muna maghusga'

Pinaalalahanan naman ni presidential chief legal counsel Salvador Panelo ang publiko na na iwasan muna ang agarang panghuhusga sa isyu lalo na't gumgulong pa rin ang imbestigasyon sa kaso ni Dacera.

"Since the investigation on Christine's death is ongoing, we advise those who are concerned with the case to reserve their judgments until all the facts are in," ani Panelo, na dating tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte.

"Should there be evidence that a crime was committed, then this administration assures that the offenders thereof, regardless of who they are, will be dealt with accordance with law that justice may be served."

Itinatanggi na ng ilang suspek, na tinukoy ang sarili bilang "bakla," ang paratang na hinalay nila ang namatay lalo na't hindi raw sila nakikipagtalik sa babae.

Kahapon lang nang mag-alok ng P100,000 pabuya si ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap sa mga makapagtuturo sa PNP ng kinaroroonan ng mga nalalabing suspek.

Sinundan naman 'yan ng P500,000 reward na alok ni Sen. Manny Pacquiao, habang patuloy na ipinananawagan ang pagbabalik ng parusang bitay sa mga gumagawa ng karumaldumal nakrimen.

"Magbibigay ako ng P500,000 doon sa makakahuli ng mga gumawa," ani Pacquiao sa panayam ng DZRH.

"Ang apela ko na bigyan ng considerasyon yung apela natin, yung bill natin, na nawa'y maintindihan na yunng batas na ito ay hindi lang para sa isa, lahat tayo na nandito. Kailangan ng ating gobyerno ng bahay ng isang pamalo na matindi." — may mga ulat mula kina Kristine Joy Patag, Luisa Morales at News5

ANEURYSM

FLIGHT ATTENDANT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RAPE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with