^

Bansa

Roque: Sibilyan bawal sa smuggled COVID-19 vaccines; 'self-preservation' sa PSG lang

James Relativo - Philstar.com
Roque: Sibilyan bawal sa smuggled COVID-19 vaccines; 'self-preservation' sa PSG lang
Pinupuno ng nurse na ito ng Pfizer-BioNtech coronavirus disease (Covid-19) vaccine ang isang hiringgilya, ika-4 ng Enero, 2021, sa Antonin Balmes gerontology center, France
AFP/Pascal Guyot

MANILA, Philippines  Matapos palakpakan at depensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Presidential Security Group (PSG) sa kanilang paggamit ng smuggled na bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19), muling pinaalalahanan ng Malacañang ang publiko na hindi nangangahulugang pwede na silang gumaya at magturok ng nasabing gamot.

Ito ang sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque, Martes, matapos ikatwiran kagabi ni Duterte ang paggamit ng PSG sa non-FDA approved vaccines sa ngalan ng "self preservation."

Ang problema, hindi raw magagamit ng karaniwang tao ang dahilang "self-preservation" para makapagpaturok din ng 'di rehistradong gamot gaya ng PSG kontra COVID-19.

"No. The context by which the president said that... [H]indi po 'yan magagamit sa lahat ng sitwasyon," saad ni Roque sa isang press briefing kanina.

"Ang sinabi po ni presidente, 'yan pong [bakuna] ay self-presevation ng PSG dahil sa kanilang katungkulan na kinakailangang protektahan ang presidente. At hindi nila magagawa 'yun kung hindi hindi nila proprotektahan ang sarili nilang buhay [mula sa COVID-19]."

Hindi malinaw kung may batayan sa batas ang mga sinasabi nina Roque at Duque, kahit pareho silang abogado. Walang probisyon sa Republic Act 9711, o FDA Act of 2009, na nagsasabing pwedeng labagin ang batas sa 'di rehistradong gamot gamit ang ganoong mga dahilan.

Tila binaliktad ni Roque ang una niyang sinabi na "pagbebenta" at "distribusyon" lang ng unregistered vaccines ang ang ipinagbabawal ng batas ngunit pwede raw ang "magturok" nito. Taliwas 'yan sa pahayag mismo ng FDA.

Special vaccine permits?

Sa kabila nito, sinabi ng FDA na maaaring mabigyan ng "compassionate special permits" ang mga maliliit na grupo, kahit na wala pang inilalabas na emergency use authorization (EUA), pagdating sa mga bakuna. Isa na raw sa mga pwedeng kumuha niyan ay ang PSG, na sangkot ngayon sa kontrobersya ng unregistered Sinopharm vaccine.

"[I]f it’s going to be a smaller group po, for example po ‘yung PSG, and of course priority naman po talaga nila na kayo ay proteksyunan, then we can give po compassionate special permit for this kasi maliit lang naman po ‘yon and then a hospital can take care of it and a doctor can administer them safely and ... the people who will be vaccinated," ani FDA director general Eric Domingo.

"So for small ano po — small quantities, kahit po wala pang EUA, we can do ano po special permits for that... Naiintindihan naman po natin ‘yung importance po ‘no ng what they do and there’s a safe way to do it if kung gusto po nilang gawin."

Ang problema, nagturok na ang PSG, kasundaluhan at ilang miyembro ng Gabinete ng COVID-19 vaccine kahit na hindi pa sila nabibigyan ng nasabing special permit.

Humaharap ngayon sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation ang PSG pagdating sa isyu, habang kahahain pa lang ng Makabayan bloc ng House Resolution 1451 para silipin ang kagagawan ng PSG.

"Self-preservation of the Chief Executive is not and should never be an excuse for the blatant disregard of existing laws and of the clamor for full disclosure of the government's vaccination program," ayon kay Gabriela Rep. Arlene Brosas sa isang ulat.

"What is becoming clear is that Duterte himself is a coddler and protector of vaccine smugglers in our country." — may mga ulat mula kay Xave Gregorio

COVID-19 VACCINE

FOOD AND DRUG ADMINISTRATION

GABRIELA WOMEN'S PARTY

HARRY ROQUE

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with