Kaso ng PACC chief pinatututukan
MANILA, Philippines — Umapela ang mga kawani ng Duty Free Philippines na tutukan ng pamahalaan ang umano’y korapsyon na kinasasangkutan mismo ng Presidential Anti-Corruption Commission.
Ayon kay Alexander Sablan, dating presidente ng United Workers of Duty Free Philippines, tila nilinlang lang ni PACC Commissioner Greco Belgica si Pangulong Duterte sa pagbubunyag nito ng mga pangalan ng mambabatas na sangkot umano sa katiwalian sa Department of Public Works and Highways.
“Niligaw ni PACC Commissioner Greco Belgica ang pangulo at ang taumbayan sa listahan ng mga mambabatas na ibinigay niya para lang pagtakpan ang korapsyon isyu laban sa kanya,” ani Sablan.
Matatandaan na sinampahan ng grupo ni Sablan ng kasong graft and corruption si Belgica sa Office of the Ombudsman. Nag-ugat ang kaso sa umano’y pagbalewala ni Belgica sa kanilang reklamo sa PACC.
Sa halip umanong magpalabas ng mga pangalan ng mambabatas na wala namang basehan, mas nararapat daw na sagutin ni Belgica ang mga paratang laban sa kanya.
“Mas malaki kasi ang istorya na ‘yung opisyal ng anti-corruption agency, sabit sa korapsyon,” giit ni Sablan.
- Latest