^

Bansa

Presidential daughter nanguna sa 2022 presidential survey ng Pulse Asia

Philstar.com
Presidential daughter nanguna sa 2022 presidential survey ng Pulse Asia
Makikita sa collage na ito sina Davao Mayor Sara Duterte, dating Sen. Bongbong Marcos at Sen. Grace Poe na siyang nangunguna ngayon sa listahan ng mga nais iboto sa pagkapangulo ng mga Pilipino sa May 2022 national elections
Released/Monkayo municipality; The STAR/Edd Gumban, File; Mula sa Facebook page ni Sen. Grace Poe

MANILA, Philippines — Kung paniniwalaan ang bagong-labas na survey ng Pulse Asia Research ngayong araw, lumalabas na ilalagay sa balota ng mayorya ng mga Pilipino ang pangalan ni Davao Mayor Sara Duterte sa para sa posisyon ng pagkapangulo sa ngayon.

Ito ang natuklasan ng isang pag-aaral na isinagawa mula ika-23 ng Nobyembre hanggang ika-2 ng Disyembre, bagay na inilabas ngayong Huwebes.

Sa harapang panayam na isinagawa sa 2,400 katao, sinabi ng pag-aaral na 26% ng mga Pilipino ang boboto kay "Inday Sara" — anak ni Pangulong Rodrigo Duterte — kung isinagawa ang eleksyon habang kinokolekta ng mga mananaliksik ang datos.

Halos kalahati ang nilamang ng nakababatang Duterte kina dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Sen. Grace Poe, na pawang nakakuha ng 14% sa ikalawang pwesto.

Sinundan naman sila ni Manila Mayor Isko Moreno (12%), Sen. Manny Pacquiao (10%), Bise Presidente Leni Robredo (8%), Sen. Panfilo "Ping" Lacson (4%), Sen. Bong Go (4%), Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano (3%), Sen. Richard Gordon (0.2%) at dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio.

Pinakamalakas ang suportang natanggap ng alkaldeng Davaoeña sa Mindanao (58%), kung saan matatagpuan ang kanyang pinamumunuang lungsod. Nasa 29% naman ng mga Bisaya ang nasa likod niya habang 16% ng mga nasa Kamaynilaan at 12% ng mga taga-Luzon ang pumili sa kanya.

Una nang sinabi ni Duterte na Enero 2021 pa siya magdedesisyon kung tuluyang mangangandidato sa pagkapresidente, ayaw ng kanyang ama na sumunod sa kanyang yapak ang anak na babae.

"Sinabi ko kay Inday, ’wag kang mag-presidente unless you see something na kaya mo para gawain mo sa bayan. Pero if just a matter of ambition, lay off," sabi noon ng pangulo nitong Hulyo.

Kahit ipinipinta ng election surveys ang opinyong publiko, matatandaang talo sa 2010 at 2010 presidential elections sina dating Sen. Manny Villar at dating Bise Presidente Jejomar Binar kahit numero sila noon laban sa mga karibal na kandidato.

Moreno, Pacquiao daig lahat ng possible VP, senatorial bets

Pagdating naman sa posisyon ng bise presidente, nangibabaw sa listahan ang popular na alkalde ng Maynila na si Francisco "Isko Moreno" Domagoso, matapos makakuha ang actor-turned-politician ng 17%.

Hindi rin nawala sa eksena ng pagka-ikalawang pangulo ang nakababatang Duterte sa 16%, dahilan para mapirmi siya sa ikalawang pwesto.

Pumangatlo naman sa mga sinuportahang hahalili sa presidente si Senate President Vicente "Tito" Sotto III, na siya namang nakakuha ng 14.

Narito ang buong listahan ng 2022 vice presidential preference survey, mula sa may pinakamataas na boto hanggang sa pinakamababa.

Namayagpag sa naturang survey ang "Pambansang Kamao" na si Pacquiao, na siya namang sinundan ng tanyag na TV5 broadcaster na si Raffy Tulfo.

Kulelat ngayon sa listahan ng napipisil tumakbong senador si Public Works and Highways Secretary Mark Villar.

— James Relativo at may mga ulat mula sa News5

2022 ELECTIONS

PRESIDENTIAL ELECTIONS

PULSE ASIA

SARA DUTERTE-CARPIO

SURVEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with