^

Bansa

Handa na ang pamahalaan sa 2021 – Yap

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ngayong araw inaasahan na pipirmahan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang national budget para sa susunod na taon.

Ayon kay House Appropriations Chairman at ACT-CIS Rep. Eric Go Yap, ang P4.5 trillion national budget ay nakapaloob sa Government Appropriation Act (GAA) of 2021.

Sa naturang budget, handa ang pamahalaan na tugunan ang mga pangangailangan ng sambayanan sa susunod na taon lalo ang pagbili ng bakuna, ayon kay Yap.

Aniya, “P72.5 billion ang inilaan namin ng senado para sa Covid vaccine program next year.”

Ang education sector tulad ng DepEd, CHEd, TESDA, at SUC ang nakakuha ng pinakamala­king pondo na umabot sa P738 billion.

Ipinagmalaki rin ng mambabatas na dumaan sa masusing pagbusisi ang 2021 national budget.

ERIC GO YAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with