^

Bansa

Diwa ng Pasko, ibinahagi ni Sen. Go sa displaced workers, market vendors at tricycle drivers

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil naapektuhan ng pandemya ang mara­ming pribadong kompan­ya, namahagi si Senator Christopher “Bong” Go ng iba’t ibang ayuda sa mga manggagawa ng Dole Philippines Inc. na nawalan ng trabaho sa Polomolok, South Cotabato.

Namigay si Go at ang kanyang grupo ng meals, food packs, masks, face shields at vitamins sa may 469 benepisyaryo sa distribution activity na isinagawa sa Barangay Cannery Site gymnasium.

Tiniyak ng grupo ni Sen. Go na nasusunod ang health and safety protocols upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng coronavirus disease.

Bukod sa mga pagkain, nagkaloob din ang senador ng mga pares ng sapatos sa piling recipients. Nagbigay rin siya ng bisikleta at tablets para mga bata na magagamit nila sa blended learning na ipinatutupad ng mga paaralan.

Muling inulit ng senador na kapag may available nang ligtas at epektibong bakuna laban sa COVID-19 sa bansa, uunahin ng pamahalaan ang mahihirap at vulnerable sectors, gayundin ang  frontliners, teachers, medical workers at uniformed personnel.

“Marami po ang tinamaan sa panahon na ito. Marami po ang nawalan ng trabaho kaya magtulung-tulong tayo dahil marami ang umaasa sa atin sa panahon na ito. Huwag natin pabayaan ang kapwa nating Pilipino,” ani Go.

Personal nang namahagi ng ayuda si Go sa market vendors at tricycle drivers sa Pantukan, Davao de Oro.

Nasa 75 market vendors at 300 tricycle drivers na nawalan ng kabuhayan dahil sa pandemic ang nabigyan ng tulong sa Provincial Gym sa Kingking, Pantukan.

Sa Quezon City, uma­abot naman sa 615 kasapi ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) na patuloy na nagrerekober sa COVID-19 pandemic ang pinadalhan ng iba’t ibang tulong ni Sen. Go.

 

CHRISTMAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with