^

Bansa

Pagbili ng bakuna sa Pfizer, tuloy – Duque

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagbili ng bakuna sa Pfizer, tuloy â Duque
"There is no such thing as dropping the ball,” ayon kay ealth Secretary Francisco Duque III patungkol sa unang akusasyon ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin na may humadlang sa negosasyon. “Negotiations are ongoing, tuluy-tuloy po.”
Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ni Health Secretary Francisco Duque III ang aku­sasyon na naudlot ang kasunduan sa vaccine maker na Pfizer kung saan iginiit niya na nagpapatuloy pa rin ang negosasyon sa naturang manufacturer na nakabase sa Estados Unidos.

“There is no such thing as dropping the ball,” ayon kay Duque patungkol sa unang akusasyon ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin na may humadlang sa negosasyon. “Negotiations are ongoing, tuluy-tuloy po.”

Ayon kay Locsin, da­pat parating na sa Pilipinas ang mga bakuna ng Pfizer sa darating na Enero na popondohan ng World Bank at Asian Development Bank (ADB).

Ngunit ayon kay Du­que, pumirma sila ng Confidentiality Disclosure Agreement (CDA) sa Pfizer noon pang Oktubre habang si vaccine czar Secretary Carlito Galvez ay pumirma naman sa CDA ngayong Disyembre.

Dahil sa pagiging vaccine czar, itinuro ni Duque si Galvez na siyang mas may awtoridad na magsalita ukol sa pagbili ng bakuna ng bansa sa mga manufacturers.

DUQUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with