^

Bansa

Batas vs kahirapan, kagutuman hiling isulong

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Batas vs kahirapan, kagutuman hiling isulong
Sinabi ni Aurea Miclat-Teves, president at convenor ng National Food Coalition, isang non-government group, nais nilang tumulong sa mga lider ng bansa para sa pagsusulong ng mga tamang polisiya para malabanan ang kahirapan at kagutuman sa Pilpinas.
Noel Celis/AFP, File

MANILA, Philippines — Nanawagan ang isang grupo sa pamahalaan na magpasa ng batas na magsisiguro para labanan ang kahirapan at kagutuman sa bansa.

Sinabi ni Aurea Miclat-Teves, president at convenor ng National Food Coalition (NFC), isang non-government group, nais nilang tumulong sa mga lider ng bansa para sa pagsusulong ng mga tamang polisiya para malabanan ang kahirapan at kagutuman sa Pilpinas.

Ang kanilang hakbang ay para umano maipatupad ng gobyerno ang National Food Policy (NFP) na tutugon sa pangunahing concern sa pagkain at kahirapan sa bansa.

Noong nakaraang linggo ay nagsagawa ang Inter-Agency Task Force on Zero Hunger na pinamumunuan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ng serye ng konsultasyon sa mga stakeholders sa gobyerno at pribadong sektor sa NFP.

Dito ay nagkaroon sila ng inputs, comments at suggestions sa NFP na inilunsad noong Oktubre.

Iginiit naman ni Miclat-Teves na kahit na nagtatag ng task force ang gobyerno ay kailangan pa rin ng batas para sa national food policy sustainable.

“This could also serve as a legal back-up to any economic and social program on hunger and poverty,” ayon pa kay Miclat-Teves.

KAHIRAPAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with