^

Bansa

Pagtatanim ng 10 puno sa pagbili ng sasakyan isinulong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinulong ni Sen. Lito Lapid ang panukalang pagtanimin ng 10 puno ang lahat ng mga motor dealers at retailers sa bawat mabebentang sasakyan.

Sa Senate Bill 1936 na inihain ni Lapid, nais nitong gawing mandatory ang tree planting at dapat mai­sagawa sa loob ng anim na buwan buhat sa sales transaction o maibigay ang official receipt sa buyer ng sasakyan.

Ipinaliwanag ni Lapid na nakasaad sa Konstitusyon na katungkulan ng estado na protektahan at isulong ang karapatan ng mga mamamayan na magkaroon ng balanse at malusog na ekolohiya.

Ipinunto rin ni Lapid na sa pananalasa ng mga nagdaang bagyo katulad ng Quinta, Rolly at Ulysses, napatunayan ang kahalagahan nang pangangalaga sa kalikasan.

Naniniwala si Lapid na mas magkakaroon ng proteksiyon ang mga mamamayan tuwing may darating na bagyo at baha kung madaragdagan ang mga punong kahoy sa bansa.

Panahon na aniya na magkaroon ng konkretong hakbang at polisiya ang gobyerno para matugunan ang problemang dulot ng malalakas na bagyo at baha.

Kapag naging batas, ang Department of Trade and Industry ang aatasan na magmonitor na nasusunod ang pagtatanim ng mga punong kahoy.

Ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) naman ang tutukoy ng lokasyon at kung anong klase ng punongkahoy ang dapat itanim.

PUNO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->