Solon, asawang DPWH exec, idinawit sa PhilHealth anomaly
MANILA, Philippines — Nasa “hot water” si Quezon Rep. Helena Tan at kanyang asawang si DPWH regional director Ronnel Tan matapos umanong masilip ng Department of Justice (DOJ) Task Force Against Corruption na ang pagmamay-aring ospital ng pamilya ay kumita umano ng P12 million mula sa P14-billion Interim Reimbursement Mechanism (IRM) ng PhilHealth noong March 2020.
Sinasabing nakinabang umano ang RAKKK Prophet Medical Center, isang level 2 category hospital sa Gumaca, Quezon sa P14 billion IRM funds anomaly na nabusisi ng Senado noong September 2020.
Inireklamo ni Lopez, Quezon Councilor Arkel Manuel O. Yulde sa Task Force, na nagbigay ang PhilHealth sa nasabing ospital ng halagang P12,063,723 noong March 2020.
Sabi pa ni Yulde, ang naturang pondo ay nailipat noong kasagsagan ng pagbusisi ng Kongreso sa mga opisyal na sangkot sa P14 billion PhilHealth scandal.
Si Tan ang umupong chairman ng House committee on Health na nag-imbestiga sa naturang isyu.
- Latest